MANILA, Philippines- Pinalaya si Cagayan Governor Manuel Mamba ng House of Representatives mula sa detensyon matapos mag-isyu ng Supreme Court (SC) ng temporary restraining order (TRO) laban sa dalawang desisyon ng house panel na i-cite ang opisyal in contempt.
Base sa impormasyon mula kay House Sergeant-at-Arms Napoleon Taas, nagdesisyon ang House committee on public accounts and the committee on suffrage and electoral reforms nitong Huwebes na payagan ang mosyon ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta na palayain si Mamba.
“During the special meeting of the Committee on Public Accounts joint with the Committee on Suffrage and Electoral Reforms, by motion of Hon. Marcoleta, Governor Mamba is released from detention today at 9:11 PM and the Sergeant-at-Arms is ordered to implement the same based on his Statement of Undertaking,” paglalahad ni Taas.
“However, the Committees’ Order of Contempt stays and shall automatically be lifted only upon receipt of a copy of withdrawal of the TRO filed by Gov Mamba with the Supreme Court,” dagdag niya.
Ipinaditene si Mamba matapos ang mosyon ni Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop, na binanggit ang hindi pagdalo ni Mamba sa joint committee hearings sa nakalipas na tatlong buwan.
Subject ang Cagayan governor ng dalawang imbestigasyon ng House panels sa pagkakasangkot umano niya sa distribusyon ng cash assistance sa panahong ipinagbabawal ang mga ganitong uri ng aktibidad sa ilalim ng election laws.
Bago ito, lumitaw si Mamba sa joint committee hearing, at ikinatuwa House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang boluntaryong pagsuko ng gobernador, at tiniyak sa opisyal na poprotektahan ang kanyang mga karapatan.
Subalit, nagpaliwanag si Mamba, at sinabing “excused” siya sa House hearings dahil labag umano ang pagbibigay niya ng komento ukol dito sa sub judice rule sa parehong kaso sa korte.
Hindi rin umano siya nakadalo sa mga pagdinig dagil nakatutok ang kanyang provincial government sa pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ni Bagyong Egay, kabilang ang mga nasa liblib na lugar.
Diniskwalipika si Mamba ng second division ng Commission on Elections (Comelec) noong December 2022 sa paglabag sa public spending ban sa May 2022 polls.
Subalit, noong March 2023, binaligtad ng Comelec en banc ang nauna nitong desisyon, at sinabing walang awtoridad o hurisdiksyon ang poll body does na resolbahin ang kaso. RNT/SA