Home HOME BANNER STORY Cagayan gov pinadiditene ng Kamara sa ‘di pagsipot sa hearing

Cagayan gov pinadiditene ng Kamara sa ‘di pagsipot sa hearing

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng House joint committee on public accounts and suffrage and electoral reforms ang pagditene kay Cagayan Governor Manuel Mamba sa patuloy na hindi pagdalo sa pimbestigasyon sa umano’y illegal expenditures ng local government noong 2022 campaign period.

Ito ay kasunod ng pagsang-ayon ng panel sa mosyon ni Antipolo Representative Romeo Acop na parusahan si Mamba, ilang buwan matapos maglunsad ng joint committee imbestigasyon sa Cagayan governor noong May 31.

“Since the governor of Cagayan was not able to obey the processes of these two committees, in the spirit of equitable provision of the law, may I move to cite the governor of Cagayan, Mr. Chair,” giit ni Acop.

Sa panayam, sinabi ni Mamba na humingi siya ng permiso na hindi dumalo sa pagdinig upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang lalawigan sa pagtama ng super typhoon.

Sa ilalim ng House rules, ang isang indibdiwal na “cited in contempt” ay madiditene sa loob ng 10 araw, o hangga’t hindi nagbabago ang desisyon ng komite.

Walang tumutol sa mosyon ni Acop, kung saan sinabi ng mga miyembro na nagpakita si ng “undue interference” nang tumangging mag-isyu ng travel orders sa mga opisyal ng Cagayan provincial government na inimbitahan din na dumalo sa nasabing congressional inquiry.

Sinabi ni Mamba na sa pagdinig noong Mayo, tinanong siya ng mga katanungan na “covered by sub judice rule, related to those pending before the Comelec, Supreme Court (SC) and Ombudsman.”

“I said this is sub judice and I might be held in contempt even by the SC, kaya I refused to answer some of their questions kaya inexcuse naman nila ako. So, I was just wondering ano ngayon ito,” aniya.

Nang tanungin hinggil sa umano’y hindi pag-isyu ng travel authority sa local officials, sinabi niya na hiniling niya na i-excuse ang mga opisyal dahil sa paparating ng super typhoon.

“Some 6,000 people lost their homes…we have to take care of this.  We sent a letter to postpone our attendance, we want to attend next time.  I felt that the priority should be how to respond to the typhoon,” sabi ni Mamba. RNT/SA

Previous articleEgay-hit areas tutulungan ng SoKor, Canada
Next articlePagkakasibak sa Kamara iaapela ng kampo ni Teves sa SC