Home HOME BANNER STORY Cagayan naghahanda sa epekto ng Super Typhoon Mawar

Cagayan naghahanda sa epekto ng Super Typhoon Mawar

309
0

MANILA, Philippines – Puspusan na ang paghahanda ng probinsya ng Cagayan sa inaasahang epekto ng Super Typhoon Mawar sa kanilang probinsya.

Ayon kay Ruelie Rapsing, pinuno ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa panayam ng CNN Philippines nitong Biyernes, Mayo 26,
tinukoy na ng mga awtoridad ang coastal communities sa hilagang bahagi ng probinsya na maituturing na “areas of concern” o peligroso sa landslide at pagbaha.

Kabilang dito ang mga bayan ng Sta. Ana, Gonzaga, Sta. Teresita, Buguey, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, at Claveria, kabilang ang island municipality ng Calayan.

Sa ulat ng PAGASA, magdadala ng malakas na ulan ang Super Typhoon Mawar sa Cagayan Valley mula Linggo, Mayo 28 hanggang sa susunod na linggo.

Ani Rapsing, 70% na prone sa baha at landslide ang Cagayan.

Bagama’t may mga tinukoy nang areas of concern, babantayan din ang Cagayan River dahil tiyak na magbubuhos ng maraming ulan ang bagyong Mawar sa probinsya.

Nakaabang na ang mga aluminum, rubber at fiberglass boats sa pitong quick response stations sa probinsya.

Ang bawat istasyon ay mayroon ding ambulansya, rescue vehicle, at search and rescue vehicle.

Mayroon din ani Rapsing ang PDRRMO na tatlong trak para sa pre-emptive evacuation maging ambulance trucks.

Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Raffy Alejandro na tiyak na ipatutupad ang pre-emptive evacuation lalo na kapag itinaas na ang babala ng bagyo partikular sa Batanes sakop ang 18,000 indibidwal.

Nakatutok sa ngayon ang NDRRMC sa Cagayan at Batanes.

“We are focusing our efforts in augmenting our resources in Cagayan, in Batanes, making sure that the alternative or standby communication system will be established,” sinabi ni Alejandro.

Maliban dito, nakaabang na rin ang nasa P18.3 bilyon na calamity fund ng Department of Budget and Management para tulungan ang mga maaapektuhan ng bagyong Mawar. RNT/JGC

Previous articleP18.3B calamity fund, nakahanda sa Super Typhoon Mawar – DBM
Next articleIka-5 suspect-witness sa Degamo slay, bumaligtad na rin!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here