Calaguas Islands, sarado muna sa mga turista dahil sa COVID-19 scare

Calaguas Islands, sarado muna sa mga turista dahil sa COVID-19 scare

March 12, 2020 @ 4:21 PM 3 months ago

  • 1
  •  
  •  
    1
    Share
Share

Legazpi City, Philippines – Dahil sa pangamba sa posibleng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), sarado muna sa mga turista ang pangunahing tourist destination sa Camarines Norte na Calaguas Islands simula ngayong araw ng Huwebes, Marso 12.

Sa isang executive order na inilabas, sinabi ni Vinzons Mayor Eleanor Segundo na inirekomenda ng Municipal Inter-agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (MIATF-EID) ng bayan na isara muna ang isla na kilala dahil sa white-sand beaches nito, malinaw na tubig at “unspoiled resources”.

Sarado hanggang Marso 25 ang Calaguas at inutusan na rin ang pulisya sa bayan na magsagawa ng checkpoints upang masigurong walang turista ang makakapasok. Remate News Team|MM

Share

Leave a Reply

Loading...