Calamity loan program ng SSS, bukas hanggang Setyembre 14

Calamity loan program ng SSS, bukas hanggang Setyembre 14

July 1, 2020 @ 12:55 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Magiging available ang COVID-19 pandemic calamity loan assistance program ng Social Security System (SSS) sa mga miyembro nito hanggang Setyembre 14, ayon kay president Aurora Ignacio.

Nakapagbigay na ito ng loan na aabot sa P5.4 milyon sa 346,375 miyembro nito, saad ni Ignacio.

“Tatlong buwan po inooffer itong calamity loan assistance program,” aniya sa virtual press briefing.

Kailangang may kontribusyon sa loon ng tatlong taon ang mga miyembro ng SSS na nais mag-apply para sa loan, kung saan anim na buwan dito ang naka-post sa loob ng nakalipas na 12 buwan bago ang aplikasyon.

Maaaring gawin ang aplikasyon sa account ng miyembro sa online portal ng SSS.

Maaaring bayaran ang loan sa loob ng 27 buwan, kung saan magsisimula ang pagbabayad sa ikaapat na buwan mula sa aplikasyon at may interest rate ng anim (6) na porsyento. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...