Home METRO CALAX maniningil ng toll sa Silang Interchange mula Peb. 10

CALAX maniningil ng toll sa Silang Interchange mula Peb. 10

MANILA, Philippines- Matapos halos tatlong buwang libreng pagdaan sa Silang (Aguinaldo) Interchange, sisimulan nang maningil ng toll ng concessionaire na nangangasiwa sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX) mula sa mga motorista na dumaraan sa subsection pagsapit ng February 10, 2024.

Sa abiso nitong Huwebes, inihayag ng CALAX operator MPCALA Holdings Inc. na simula alas-12:01 ng madaling araw sa February 10, mangongolekta ito ng updated toll rates.

Noong November 8, binuksan ng MPCALA ang Silang (Aguinaldo) Interchange segment ng CALAX “at no cost, providing free passage until further notice.

Ang Silang subsection ng CALAX ang ika-lima sa walong segments ng 45-kilometer (km) toll road. Saklaw nito ang 3.9 kilometers na may 2×2 lane expressway mula Silang East Interchange hanggang Aguinaldo Highway sa Cavite.

“The implementation of these toll rates aids in the continuous maintenance and enhancement of our toll road while ensuring efficient and safe travel for our users. The Silang (Aguinaldo) Interchange has become a vital part of our network, significantly enhancing the connectivity and economic landscape of the region,” pahayag ni Raul Ignacio, presidente at general manager ng MPCALA.  

Ang interchange ay isang kritical na bahagi ng CALAX na direktang kumokonekta sa Aguinaldo Highway, para sa mas mabilis na biyahe sa key tourism destination areas sa Cavite, kabilang ang Tagaytay at Silang. RNT/SA

Previous articleAgri damage sa El Niño sumampa sa P151.3M
Next articlePinas ika-30 bansa na may ‘most breached accounts’ noong 2023 – pag-aaral