Home METRO Call center agent, kasabwat tiklo sa tobats sa Taguig

Call center agent, kasabwat tiklo sa tobats sa Taguig

MANILA, Philippines – Dalawang kalalakihan kabilang ang isang call center agent ang dinakip matapos mahulihan sa kanilang posesyon ng hinihinalang shabu ng mga miyembro ng Taguig police Substation 5 nitong Biyernes, Pebrero 9.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Mark Pespes ang mga inarestong suspects na sina alyas Jim, 26, call center agent at ang kanyang kasabwat na si alyas Arnel, 21.

Ayon kay Pespes, nagsasagawa ng kanilang pagpapatrulya ang mga tauhan ng Substation 5 who dakong alas 8:55 ng gabi nang mamataan nila ang mga suspects sa Ruhale Street, Barangay Calzada-Tipas, Taguig.

Makaraan ang pagsita sa mga suspects at sumailalim sa body search ay nadiskubre sa kanilang posesyon ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang na 30.6 gramo na nagkakahalaga ng P208,080.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police ang mga suspects na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). James I. Catapusan

Previous articleLola patay nang madamay sa banggaan
Next article1,800 indibidwal nakilahok sa clean up drive sa Malabon