Home METRO Camarines Norte ‘di pinatulog ng magnitude 5.1 na lindol

Camarines Norte ‘di pinatulog ng magnitude 5.1 na lindol

100
0

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Tinaga Island, Camarines Norte nitong Martes ng gabi, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa earthquake bulletin nito, naganap ang alas-9:46 ng gabi at ang epicenter ay nasa 15 km N 87° E ng Tinaga Island, Camarines Norte.

Tectonic in origin, ang lindol ay may lalim na isang kilometro, ayon sa PHIVOLCS.

Walang inaasahang pinsala ngunit maaaring mangyari ang mga aftershocks, ayon pa sa ahensya. RNT

Previous articlePagmimina sa Sibuyan pinatigil na ng DENR
Next articlePMFTC hinirang muling PH Top Employer