Home NATIONWIDE Camarines Norte naka-red alert sa masamang panahon

Camarines Norte naka-red alert sa masamang panahon

MANILA, Philippines – Inilagay sa “red alert” emergency operations center ng Camarines Norte nitong Sabado, Nobyembre 25 dahil sa malalakas na ulan dulot ng shear line.

Sa memorandum, ipinag-utos ni Governor Ricarte Padilla sa response cluster agencies at emergency operations centers na mag-operate 24/7 upang mamonitor ang kanilang mga areas of responsibility.

Inabisuhan din ni Padilla ang mga lokal na opisyal na magpatupad ng localized suspension of work and classes, at pre-emptive evacuation sa mga residente sa high-risk areas.

Ipinag-utos din ang no-sailing policy dahil sa gale warning. RNT/JGC

Previous article3 turistang Malaysian pinagbawalang makapasok sa bansa sa masamang ugali – BI
Next articleUnang kaso ng H5-type bird flu naitala sa Japan, 40K ibon papatayin!