PHNOM PENH, Cambodia – Nilamon ng humigit-kumulang 40 buwaya ang isang lalaking Cambodian matapos itong mahulog sa kanilang kulungan sa reptile farm ng kanyang pamilya, sabi ng pulisya.
Si Luan Nam, 72, ay nagsisikap na alisin ang isang buwaya mula sa isang hawla kung saan ito nangitlog nang hatakin ng buwaya ang patpat na hawak nito at nasama siya.
Matapos nito, nagtulong-tulong ang mga buwaya para sagpangin si Nam.
Advertisement