Home HOME BANNER STORY Canada humingi ng suporta sa Pilipinas sa ASEAN free trade talks

Canada humingi ng suporta sa Pilipinas sa ASEAN free trade talks

1390
0

MANILA, Philippines – Humiling ng suporta mula sa Pilipinas ang pamahalaan ng Canada para sa nagpapatuloy na negosasyon sa free trade agreement kasama ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon sa Presidential Communications Office, inihayag ni Canadian Foreign Minister Mèlanie Joly ang usaping ito sa courtesy call nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang.

“Regarding trade, we are negotiating for a free trade agreement with ASEAN. So we hope that we could have the support of the Philippines. And we are also negotiating to become a strategic partner of ASEAN, recognizing the importance of ASEAN Centrality,” ani Joly.

“If we could work together to achieve that, that would be very much appreciated because we are bringing a lot of diplomatic knowledge and strength,” dagdag pa niya.

Ang Foreign Minister ay nasa bansa para sa kanyang three-day visit na layong ipanukala ang regional stability at rules-based international order, at pag-usapan ang bagong Indo-Pacific strategy ng Canada kasama ang mga opisyal ng Pilipinas.

Bukas naman para kay Marcos ang pahayag na ito ni Joly at sinabing maraming oportunidad ang naghihintay sa dalawang bansa, “as potential areas for us to be able to move further.”

Nagpahayag din siya ng pagnanais para sa Pilipinas na magkaroon ng strategic partnership kasama ang Canada at palakasin ang kanilang ugnayan.

“On the issue of strategic partnership, I think it is something that certainly we can pursue. I cannot at the outset see anything that should get in the way of achieving this goal,” ani Marcos.

Sinabi ni Joly na nais ng pamahalaan ng Canada na palawakin ang kooperasyon nito sa Pilipinas at isama ang mga usapin katulad ng agrikultura at people-to-people ties sa bansa sa pag-aalok ng scholarship sa mga Pinoy.

Nasa ika-75 taon na ng bilateral relations ng Canada at Pilipinas sa 2024. RNT/JGC

Previous articleLT, bet kalaplapan si Papa P!
Next articleProyekto ng UN magtuturo sa mga bata sa pangangalaga sa kalikasan – VP Sara

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here