Home NATIONWIDE Canada magbibigay ng P14.5M tulong sa mga nasalanta ng baha, landslide sa...

Canada magbibigay ng P14.5M tulong sa mga nasalanta ng baha, landslide sa Mindanao

MANILA, Philippines – Magbibigay ang Canadian government ng CAD350,000 o nasa P14.5 million ng humanitarian aid bilang suporta sa mga biktima ng pagbaha at landslides sa malaking bahagi ng Mindanao.

Sinabi ng Canadian Embassy sa Manila na ang tulong ay kukunin mula sa Canadian Humanitarian Assistance Fund.

“Canada is allocating C$350,000 (approx. PHP 14.5 million) to support the response to recent flooding in Mindanao through its Canadian Humanitarian Assistance Fund with Humanitarian Coalition,” saad sa anunsyo nitong Miyerkules, Pebrero 14.

“This will help provide emergency water, sanitation, hygiene services as well as the distribution of multipurpose cash and non-food items to affected communities,” dagdag pa nito. RNT/JGC

Previous articleSMB hinirang na pinakamaraming kampeonatong team sa PBA
Next articleVillanueva, umani ng suporta sa kapwa senador vs personal attack ng HOR