Canyoneering sa Kawasan Falls, bawal muna sa gitna ng banta ng COVID-19

Canyoneering sa Kawasan Falls, bawal muna sa gitna ng banta ng COVID-19

March 13, 2020 @ 12:18 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Cebu City, Philippines – Simula sa Sabado, Marso 14, hindi na papayagan ang canyoneering sa Kawasan Falls sa bayan ng Badian sa timog-kanlurang ng Cebu.

Ito ang sa pag-anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Badian tungkol sa suspensyon ng mga aktibidad sa mga sikat na tourist site sa araw ng Biyernes, Marso 13 bilang precautionary measure upang iwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Eepekto ang suspensyon sa araw ng Sabado, Marso 14.

Naglabas ng Executive Order (EO) No. 09, Series of 2020 si Badian Mayor Carmencita Lumain kung saan lahat ng canyoneering services ay ihihinto muna “until further notice”.

“Badian, being a hub for tourism, has its doors open to tourists and travellers and there is a need to take extra precaution with regards to incoming visitors like foreigners especially those with record of previous trips from China, and special administrative regions of Hong Kong and Macau or anyone might be a COVID-19 carrier,” ayon sa EO ni Lumain.

Lumalagong tourist attraction ang Kawasan Falls, lalo na sa mga canyoneering tours at iba pang water-themed outdoor activities. Remate News Team|MM

Share

Leave a Reply

Loading...