Home METRO Capiz ligtas na sa bird flu – DA

Capiz ligtas na sa bird flu – DA

162
0

CAPIZ- IDINEKLARA kahapon ng Department of Agriculture (DA) na ligtas na ang lalawigang ito sa sakit na bird flu at Avian influenza matapos wala ng naitalang kaso sa loob ng mahigit 7-buwan.

Ito ang kinumpirma ni DA-6 Director Dennis Arpia matapos maglabas ng DA Memorandum Circular No. 27 na nagsasaad na wala ng kasong bird flu ang lalawigan ng Capiz.

Matatandaan unang naitala ang kaso ng bird flu sa Roxas City.

Hinimok naman ni Arpia ang lahat ng local government units (LGUs), poultry raisers, at poultry raisers sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at probinsya ng Negros Occidental gayundin ang highly urbanized na lungsod ng Iloilo at Bacolod na bantayan at protektahan ang poultry industry sa iba’t ibang sakit gaya ng bird flu.

Tiniyak ng DA-6 sa mga residente na mayroon pa ring sapat na suplay ng manok at itlog ang Western Visayas na kung mayroong humigit-kumulang 125,940 metric tons ng manok o 177 percent na sapat ganun din ang suplay ng itlog na 37,088 metriko tonelada o sapat na 128 porsyento./Mary Anne Sapico

Previous articleAccreditation application ng gov’t employees pwede na online – CSC
Next articleSuspek sa pagtusok sa mata ng dentista, kilala na

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here