Home METRO Capiz most wanted nasakote!

Capiz most wanted nasakote!

ILOILO CITY – Arestado na ng pulisya ang most wanted person sa bayan ng Dao, probinsya ng Capiz.

Nahuli noong Miyerkules, Disyembre 27, sa isang operasyon sa Barangay Jambad para sa homicide si alyas “Kalboy.”

Si Kalboy ay nasakote ng tracker team ng Dumarao Municipal Police Station na suportado ng Capiz 2nd Mobile Force Company at Capiz Police Provincial Office.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Kristine B. Tiangco-Vinculado ng Regional Trial Court (RTC)-Branch 16 sa Roxas City, Capiz noong Disyembre 5.

Inirekomenda ng korte ang P150,000 na piyansa para sa suspek.

Pinuri ng Police Regional Office (PRO)-6 ang pagkakaaresto kay Kalboy.

“Magtulungan po tayo, pulisya at mamamayan, sa pagtugis ng mga may pananagutan sa batas, at para mabigyang hustisya ang naging biktama ng krimen,” ani Police Brig. Gen. Sidney Villaflor, PRO-6 director. RNT

Previous article19-anyos himas-rehas sa P340K tobats
Next articleLalaki patay sa suspek ng sinisingil sa utang