Home NATIONWIDE Cardinal Advincula sa mananampalataya: Mga nangangailangan tulungan

Cardinal Advincula sa mananampalataya: Mga nangangailangan tulungan

MANILA, Philippines – Muling umapela ang Archdiocese of Manila sa mga mananampalataya na tulongan ang mga mahihirap o less fortunate na alalahanin ang buhay at pasyon ni Hesukristo ngayong panahon ng Kuwaresma.

Sa kanyang pastoral letter na inilabas ngayong Biyernes, nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga mananampalataya na suportahan ang Simbahang Katoliko sa kanilang donation drive na inilunsad na “Alay Kapwa 2024”.

Binigyan-diin ni Advincula na ang mga simbahan sa kanyang archdiocese ay magsasagawa ng second collections sa lahat ng misa tuwing Linggo simula Pebrero 18.

Noong nakaraang taon, iniulat ng archdiocese na ang nakolektang donasyon ay nakatulong sa pagbibigay ng pagkain sa higit 10,000 tao.

“Through the Damayan Program, we helped feed more than 10,000 malnourished children/pregnant or lactating mothers urban poor families severely affected by the victims of natural and man-mande disasters in 2023,’ sabi ni Advincula. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article‘Ataul’ ni Dingdong, binili ni Boss Toyo!
Next articleDirek Jade Castro pinakakasuhan na sa korte