Home ENTERTAINMENT Career ni Liza sa Hollywood, tagilid!

Career ni Liza sa Hollywood, tagilid!

Manila, Philippines – Pagkatapos ng balitang may isyu sa Bureau of Immigration ang CEO ng Careless Ph na si Jeffrey Oh dahil hindi rehistrado ang negosyo niya sa Pilipinas, lumalabas na may malaki ring kinakaharap na problema si Liza Soberano.

Kung di kasi legal ang pagnenegosyo ni Jeffrey sa bansa, ang dating ay parang colorum din ang aktres.

Kung on hold din ang business nito, paano na ang karera ni Soberano?

Sa mga nagsisimula sa Hollywood, isang buhay na patotoo na kailangan ang matibay na pader o koneksyon na masasandalan para magtagumpay ang sinumang baguhan.

Sino ngayon ang gagastos sa makinarya ni Liza para sumikat and to make it in Hollywood?

Sa ganitong senaryo, nakikita ng kibitzers na tagilid ang karera ni Liza sa Hollywood.

Matatandaang si Oh ay kinuha ni James Reid bilang business partner at co-manager ng dating jowa ni Enrique Gil.

So far, naging successful naman ang naging collaboration ni Liza sa iba’t-ibang Korean artists dahil sa impluwensya na rin ni Oh na isang Korean-American. Archie Liao

Previous articlePura Luka Vega idineklarang persona non grata na rin sa Lucena, Bohol
Next articleAktibidad ng Pilipinas ‘di kailangan aprubahan ng ibang bansa – DFA