Home METRO Caretaker ng Valenzuela 1st District itinalaga na

Caretaker ng Valenzuela 1st District itinalaga na

103
0

MANILA, Philippines – Nagtalaga na ng caretaker sa unang distrito ng Valenzuela matapos italaga si Congressman Rex Gatchalian bilang Kalihim ng Department of Social Workers and Development (DSWD).

Si Congressman Wilfrido Mark Enverga ang itinalaga ng Kamara bilang caretaker ng 1st district ng Valenzuela matapos mabakante ang posisyon nang tanggapin ni Gatchalian ang pagiging kalihim.

Si Enverga ay kinatawan ng unang distrito ng Quezon.

Samantala, pormal nang natanggap ng Kamara ang letter of resignation ni Gatchalian bilang kinatawan ng 1st district ng Valenzuela.

Nagbitiw na rin si Gatchalian bilang Chairman ng House Committee on Local Government.

Sa plenaryo inihayag na pormal nang aalisin ang pangalan ni Gatchalian sa roll of members ng House of Representatives. Meliza Maluntag

Previous articleHigit 1K bagong kaso ng COVID naitala mula Enero 30 ‘gang Peb. 5
Next articleMas mababang power rates sa Mindanao, posible sa spot market – PBBM