Home METRO Cargo vessel sa Surigao, tumaob

Cargo vessel sa Surigao, tumaob

87
0

MANILA, Philippines – Tumaob ang isang cargo vessel sa Hinatuan Island at Bucas Grande Island sa Surigao del Norte ngayong Biyernes, Pebrero 10.

Ayon sa PCG, isang cargo vessel na LCT Pacifica 1 ang umalis sa Cabadbaran Port sa Agusan del Norte patungong Dapa Port sa Surigao del Norte.

Sinabi ng kapitan na si Robert Espino na habang naglalayag ay nakasalubong nila ang malalaking alon na may taas na tatlong metro dahilan para pasukin ang engine room.

Bunsod nito, nagkaproblema ang makina at nagka-aberya ang manibela.

Habang binabagtas ang nasabing baybayin, nakita ng MV Veronica ang tumaob na cargo vessel at agad na nailigtas ang mga crew kasama ang kapitan nito.

Nilapatan ng atensyong medikal si Espino habang ang kanyang mga tripulante ay pawang nasa maayos na kondisyon.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang PCG ng assessment sa posibleng oil spill sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePH, Japan nagkasundo: Paggamit ng nuclear weapons ‘di katanggap-tanggap
Next articleShabu tinangkang ipuslit sa kulungan, mangingisda arestado