Home METRO Cargo vessel sumadsad sa Batangas City

Cargo vessel sumadsad sa Batangas City

277
0

LUCENA CITY- Sumadsad ang isang cargo vessel ran sa katubigan ng Batangas City nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Iniulat ng PCG-Southern Tagalog District nitong Huwebes na naglalayag ang LCT (landing craft, tank) Golden Bella mula sa Brooke’s Point sa Palawan patungong Manila, habang malakas ang hangin at “moderate to rough” ang karagatan.

Habang naghahanap ng anchorage area, sumadsad ang vessel sa mabatong bahagi sa mababaw na tubig sa Barangay Ilijan dakong alas-2:28 ng hapon, base sa PCG.

Ang LCT ay isang specially designed ship para sa cargo, trucks, containers, building materials, cars, at mga pasahero.

Agad naman na ipinadala sa lugar ang PCG’s Marine Environmental Protection Force and Special Operations Unit sa Southern Tagalog upang suriin ang sitwasyon at magbigay ng kinakailangang tulong.

Ligtas ang 12 tripulante ng nasabing vessel.

Batay sa ulat, may karga itong 13,456 litro ng diesel at 173 litro ng lube oil.

Subalit, sinabi ng PCG na walang natukoy na oil spill sa lugar.

Pinayuhan ng PCG station sa Batangas ang Golden Anchor Shipping Lines Corporation, may-ari ng 996 gross tonnage LCT Golden Bella, na gumamit ng tug boat upang i-tow ang vessel.

Ipinag-utos din ng mga awtoridad sa shipping company na maghanda, partikular sa oil spill response operations, sakaling magkaroon ng oil spill incident. RNT/SA

Previous articleTsina sa mga bansang saklaw ng ‘10-dash line’: Stay calm
Next article2 tiklo sa pangho-holdap, paglabag sa gun ban

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here