MANILA, Philippines – Nagpaalam si Japan B League at Asian import at Gilas mainstay Carl Tamayo na hindi muna siya makalalaro sa national team na sasabak sa training abroad at 2023 FIBA World Cup dahil nagtamo siya ng knee injury.
Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, nag-abiso na si Tamayo sa koponan kaugnay sa kanyang sitwasyon.
“I think we got word today that Carl Tamayo is going to beg off because he don’t think he is going to be fully healthy through the entire process,” ani Reyes kasunod ng pagsasanay ng pambansang koponan noong Lunes sa Meralco Gym.
Sa pagkawala ni Tamayo, bumaba na ang Gilas pool sa 20 players.
Isa lamang si Tamayo sa mga manlalaro mula sa pool na may mga injury bagama’t siya ang unang umatras.
“Nirerespeto namin yan. That’s one person less,” ani Reyes.
Sinabi ni Reyes na hindi naman malubha ang injury sa tuhod, ngunit magtatagal para maging maayos si Tamayo para sa training camp ng Lithuania.
“Ang kanyang MRI ay hindi nagpakita ng anumang makabuluhang pinsala ngunit sa palagay ko kailangan niyang ipahinga ang kanyang tuhod. Sa tingin ko kailangan niyang makakuha ng ilang TRP sa susunod na linggo. Aabutin pa ng isang linggo bago ito maging malakas para makapag-ehersisyo. Sa oras na iyon, huli na ang lahat para sa Lithuania,” ani Reyes.
Idinagdag ni Reyes na ang koponan ay naghahanda na sa pagkawala ni Tamayo. “Pinaplano na namin ‘yan,” ani Reyes.JC