Manila, Philippines – Matapos mag-expire noong May 2023 ang contract with GMA-7 ni Carla Abellana ay gusto niyang gawin ang lahat ng opportunities na dumarating sa kanya.
Sa ngayon ay mina-manage na siya ng Triple A o All Access to Artists, Inc.
Bet niyang mag-guest sa “Batang Quiapo” kung sakaling may offer at bet din niyang maka-collab sina Marian Rivera at Maine Mendoza na kapwa kasamahan sa Triple A nina Direk Mike Tuviera, Sir Jojo Oconer at Ma’am Jacqui Cara. “Mas may access na ako ngayon, mas may chance na ngayon, di ba. Oh my gosh. Palapit na nang palapit. Yung aking pagkakataong makatrabaho ko sila (Marian and Maine).
“Hindi naman ako nangangarap na magka-pelikula kami o teleserye or what,” chika pa ni Carla na may halong excitement na makatrabaho sina Marian at Maine.
At patuloy pa nito, “Puwede namang digital work ‘di ba, pwedeng for social media, walang problema. Of course isa ‘yun sa bucketlist ko ‘yung makatrabaho ko sila. Sana of course, ito ‘yung magbukas ng hindi lang door or window but lahat ng opportunity.
“I’ll be so happy if I were given that chance talaga ‘di ba, like for example with Marian again pwede namang drama, pwedeng social media.” Gustong-gusto ring gumawa ng GL Project o Girl Love Story si Carla na kuwento ng kapwa babaeng nagka-ibigan.