Isa sa mga araw na ito’y ganito ang kahihinatnan ni Carla Abellana.
Pero bago ang kasado nang pag-alis ng aktres sa bakuran ng GMA, nauna na siyang nag-switch sa ibang management office.
Obyus naman kasi ito sa inilabas na teaser ng AAA o All Access to Artists kung saan nag-release ito ng blurred photo pero maaaninag namang si Carla ang nasa larawan.
Ang AAA is the same management office that takes care of the respective careers of Marian Rivera and Maine Mendoza.
Basang-basa naman as in “readable” ang desisyon ni Carla to jump ship.
Apparently, paraan ‘yon ng binansagan ng AAA na “goddess” para iwasan ang posibleng pagkukrus nila ng landas ng dating karelasyong si Tom Rodriguez.
Hindi nga naman malayong pagsamahin sila ng GMA sa isang proyekto, which Carla is likely to feel uncomfortable with.
Balitang Carla’s last GMA project is The Stolen Life.
It reunites the actress with Gabby Concepcion plus first time naman niyang makakatrabaho si Beauty Gonzales.
Masasabing “pre-sold” na ang project dahil puwedeng ikunek ang pamagat sa pinagdaanan ni Carla sa tunay na buhay.
Ang dapat sana’y masayang buhay she would have led ay ninakaw ng mga unfortunate circumstances that ended her marriage. Ronnie Carrasco III