Home ENTERTAINMENT Carla, ‘di sigurado sa pag-ober da bakod!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Carla, ‘di sigurado sa pag-ober da bakod!November 22, 2023 06:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Tila the last to know si Carla Abellana kung ano a ang mangyayari sa kanyang career.Of late, maugong na nga ang balitang pagkatapos ng kanyang afternoon teleserve na Stolen Life sa GMA, off she goes to ABS-CBN.Sabi pa, ang dahilan ng paglipat ni Carla has a lot to do with the return of her estranged husband Tom Rodriguez.Balita kasing tatapusin muna raw ni Tom ang Christmas holidays at saka siya magbabalik sa bansa.Ito’y para na rin i-fulfill ang kanyang existing contract with GMA na tatlong taon pa ang bibilangin bago mag-expire.Itinangging lahat ito ni Carla.Sa katunayan, clueless nga raw ang aktres what awaits her TV career.Ang nakakaalam lang daw ay ang management office niya na Triple A owned by Mike Tuviera at ang pamunuan ng GMA.Carla has yet to get an official word from Mike although meron naman daw mga negosasyon.But as far as she’s concerned daw, hindi raw Stolen Life ang huling proyekto niya sa GMA.Aniya: “Ang alam ko, may mga kasunod pa,” with emphasis on the word “mga.”Balita nami’y matagal nang tapos kunan ang kabuuan ng nasabing panghapong palabas.At umaasa si Carla na may kasunod ‘yon: “As I don’t want to think it’s my last show with GMA!” Ronnie Carrasco III