Home ENTERTAINMENT Carla, extended sa GMA!

Carla, extended sa GMA!

Manila, Philippines- Carla Abellana was right all along.

Ang wishful thinking niya kasi’y looking forward pa siya to doing more GMA projects after Stolen Life.

Umugong kasi ang tsismis na ang nasabing teleserye would be her last TV assignment on GMA at saka kasado na ang paglipat niya sa ABS-CBN.

But as far as Carla is concerned, she was hoping na masundan pa ‘yon.

To be honest, clueless daw siya if sa Kapamilya network ang bagsak niya.

Hindi pa raw naman siya inaabisuhan ng kanyang management office.

One thing’s for sure though, ang napabalitang paglayas ni Carla sa GMA had nothing to do with Tom Rodriguez’s return from the US anytime soon.

Proof nga that Carla will stick it out with GMA ay ang proyektong pagsasamahan nila ni Bea Alonzo.

Ito ang Book 2 ng Widows’ Web nina Carmina Villaroel at Ashley Ortega, ang Widows’ War.

May kunek din ang kuwento nito sa Royal Blood.

The said project is Carla’s fulfilled wish na makasama si Bea.

At kung tama ang sapantaha ng mga fans ni Bea, ang Widows’ War is her last teleserye bago siya ikasal kay Dominique Roque next year.

“Strange” nga lang ang transition: from role of a widow to real-life bride. Ronnie Carrasco III

Previous article4 grupo lumahok sa bidding ng DOTR sa NAIA ops
Next articlePrivate hospitals nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID ngayong holiday season