Home ENTERTAINMENT Carlo at Charlie, nagsalita na sa kanilang relasyon!

Carlo at Charlie, nagsalita na sa kanilang relasyon!

Manila, Philippines – Sa guesting nina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa Magandang Buhay ay natanong sila kung may gusto silang baguhing ugali sa bawat isa. Parehong wala ang kanilang sagot.

Dito na medyo naging emosyonal ang aktor dahil ang pagmamahal daw sa kanya ni Charlie ay hindi nangangailangan na siya ay baguhin.

“Kasi nga ganu’n siya sa akin. At saka ‘yung mas love na ibinibigay niya sa akin ‘yung mas nangingibabaw. Feeling ko mahal niya ako talaga, ‘yun yung pakiramdam,” sabi ni Carlo sabay sabing hindi niya naranasan noon ang nararamdamang pagmamahal sa aktres.

Pagbabahagi naman ni Charlie, “For me si Carlo ang biggest surprise talaga sa akin, as in. Kasi nu’ng una iwas na iwas sa akin.

“Before parang hindi ko talaga ini-expect ang timing niya and all. Pero parang first time ko na feel na ‘ah bakit open ako ngayon?’ parang ganu’n.

“Tapos parang siya lang talaga rin ‘yung nakagawa nu’n. I mean nagkaroon din ako ng relationship before tapos hindi ganito, as in totally different. Ibang-iba.

“So parang ngayon ko lang na-experience na ganito pala ‘yung may jowa talaga ‘yung ganu’n,” ang naluluha na ring pahayag ng dalaga.

Sey naman ni Carlo, “At saka may nakita rin ako sa social media na hindi raw palaging 50-50 ‘yung kayang ibigay everyday sa isang relationship.

“Ako minsan kaya ko ay 20 lang, so kailangan ang partner mo ang ibigay ay 80% ganu’n. At ‘yun ang nararamdaman ko sa amin,” dugtong pa niya. Rommel Placente

Previous articleLotto Draw Result as of | August 19, 2023
Next articleDirek Ruben, bumalik sa first love!