Manila, Philippines – Visitation rights.
Ito ang balitang karapatang determinadong ipaglaban ni Carlo Aquino sa kanyang anak na si Enola Mithi.
Mithi is Carlo’s three-year-old daughter with Trina Candaza.
Matatandaang no-show ang aktor sa unicorn-themed birthday celebration ni Mithi last August 12, dahilan para pupugin ito ng kaliwa’t kanang batikos mula sa mga netizens.
Nitong September 14, Huwebes ay sighted si Carlo bitbit si Mithi sa Quezon City Regional Trial Court.
A random check with those at the QCRTC revealed na naroon daw si Carlo kaugnay ng naisampa na niyang kaso granting him the rights to visit his daughter.
Napag-alaman na November pa pala noong isang taon nang huling makita ni Carlo ang anak.
Came January nang madalas umano niyang i-follow up kay Trina kung posible raw bang makasama niya si Mithi sa Bagong Taon.
Hindi man daw lantarang sabihin ay sobrang emotionally affected daw ang aktor by not being able to see even a glimpse of his child.
Ang hinihinging visitation rights ni Carlo ay paraan din daw niya para makasama ng kanyang mga magulang ang kanilang apo lalo’t may mga edad na ito.
Iniulat namin dito sa Remate Online na hindi nga sumipot si Carlo sa birthday party ng anak gayong maging ang mga lolo’t lola ng bata ay imbitado rin pero hindi naka-attend.
Himutok naman ni Carlo, isipin man lang daw ni Trina na hindi siya maituturing na pabaya’t iresponsableng ama.
Bagama’t may bago na itong minamahal sa katauhan ni Charlie Dizon, the fact remains that Carlo is able to provide the needs of his daughter. Ronnie Carrasco III