Home NATIONWIDE Case disposition rate ng DOJ noong 2023 pumalo sa 89%

Case disposition rate ng DOJ noong 2023 pumalo sa 89%

MANILA, Philippines- Bahagyang tumaas ang antas ng mabilis na pagresolba ng mga kaso na nakasampa sa Department of Justice (DOJ).

Sa ginanap na Planning Assessment and General Assembly ng Office of the Secretary of Justice Prosecution Staff (OSJPS) sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, mula sa 54.20 percent noong 2019, umakyat sa 89.20 percent nitong 2023 ang antas ng case disposition.

Ayon kay Malcontento, nasa 465 ang bilang ng mga nakabinbing kaso mula sa 1,330. Nasa 100 percent din ang resolution rate sa petitions for review nitong 2023.

Aniya, dahil ito sa pinag-isang pagsusumikap ng lahat ng piskal at support staff para sa OSJPS kaya nalampasan ang targets.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Justice Undersecretary Jesse Andres ang OSJPS dahil sa dedikasyon nito at pinuna ang suporta ng mga piskal sa mahahalagang reporma sa DOJ partikular sa case buildup.

Sinabi ni Andres na mahalaga ang masusing ugnayan sa pagitan ng mga prosecutor at law enforcement agencies para mapabilis ang proseso ng preliminary investigation sa pagtukoy ng probable causes. Teresa Tavares

Previous articleZeinab, nagbigay ng Rolex kay Ray Parks!
Next articleKelot timbog sa pagsunog ng pera