Home HOME BANNER STORY Cash aid scam bubusisiin ng DSWD

Cash aid scam bubusisiin ng DSWD

MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes, Enero 29 na iimbestigahan nito ang umano’y “ayuda” scheme na bumibiktima sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

Sa Senate hearing noong Enero 23, sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nakatanggap siya ng ulat na ilang indibidwal ang kumukupit sa bahagi ng cash assistance na dapat ay ibinibigay ng buo sa mga benepisyaryo ng programa.

“We welcome the initial findings of the committee of Senator Ronald ‘Bato’ de la Rosa, and the DSWD leadership vows to look into the leads that came out during the January 23 Senate hearing,” ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.

Sinabi pa niya na ang kagawaran ay gagawa ng nararapat at legal na aksyon laban sa mga tauhang mapatutunayang guilty sa ahensya.

“This will be done with the intention of discouraging persons who may take advantage of the DSWD’s AICS beneficiaries,” dagdag ni Gatchalian.

Sa kaparehon statement, sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na magsasagawa ang DSWD ng “massive information campaign in all payout areas” upang masiguro ang mga benepisyaryo na alam na ang cash assistance ay bahagi ng AICS, at tanging sa kanila lamang ito.

Kasabay ng naturang pagdinig sa Senado, inilantad na mahigit 60 benepistaryo sa Davao de Oro at Davao del Norte ang nakuhanan ng bahagi ng cash aid na para sana sa kanila. RNT/JGC

Previous articleDagdag na MC taxi companies pinalagan ng operator groups
Next articleAngelica, umiskor ng farm!