Home NATIONWIDE ‘Cashless, barrierless’ toll booths sa lahat ng expressways target ng TRB ngayong...

‘Cashless, barrierless’ toll booths sa lahat ng expressways target ng TRB ngayong 2024

MANILA, Philippines- Sinisilip na ikasa ang “barrierless toll gates” sa lahat ng expressways sa Luzon kapag naipatupad na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang full cashless transactions sa Hunyo o sa Hulyo ng kasalukuyang taon.

Inihayag ni TRB Executive Director Alvin Carullo na sinimulan na nilang magsagawa ng dry-runs sa tinatawag niyang interoperability ng umiiral na Radio Frequency Identification (RFID) na ginagamit ng Metro Pacific Toll Corporation at ng San Miguel Corporation mula noong Setyembre 2023 na naging positibo umano ang resulta.

“We have been conducting dry-runs and series of meetings on this and the target is the simultaneous implementation by June or July (this year) of full cashless and interoperability of all our toll operators,” ani Carullo sa isang panayam.

Nangangahulugan ito na wala nang toll booth na tatanggap ng cash mula sa mga dumaraang sasakyan sa lahat ng expressways, base kay Carullo.

Kasabay umano ng pagpapatupad ng full cashless transactions ay ang isa pang proyekto kung saan kakalusin lahat ng barriers sa lahat ng toll booths ng expressways upang matiyak ang maayos na daloy ng mga sasakyan.

Sa pagtanggal ng mga barrier sa mga toll gate, sinabi ni Carullo na nilalayon nitong maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko partikular tuwing long weekends at holidays kung saan maraming sasakyang dumaraan sa expressway.

Aniya pa, isinasapinal na ang automatic charging ng RFID monitors sa lahat ng toll booths.

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang RFID systems na ginagamit: ang Autosweep RFID at ang Easytrip RFID.

Ang Easytrip ay para sa North Luzon Expressway, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavitex, Cavite-Laguna Expressway (CALAX) and C5 link while the RFID for TPLEX (Talac-Pangasinan-La Union Expressway), SLEX (South Luzon Expressway), NAIX (NAIA Expressway), MCX (Muntinlupa-Cavite Expressway, STAR Toll (Southern Tagalog Arterial Roa)  ACTEX (Alabang, Calamba, Sto. Tomas Expressway) at sa Skyway naman ay Autosweep.

Paliwanag ni Carullo, nangangahulugan ang One Wallet, One RFID system na magkakaroon ng iisang RFID system na gagamitin sa lahat ng expressways. 

“Motorists will have an account and one RFID tag and this means that the loading for this RFID will only be done once, unlike the current system that requires loading of two accounts,” ani Carullo.

“We are now doing our best to ensure that the enrollment for One RFID is done online so that we could prevent instances of long queues for installation. What’s the use of using this system if we cannot make the registration comfortable to the motorists,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleJokes ni Jo Koy sa Golden Globes, inulan ng batikos!
Next articlePAGASA: Temperatura sa Marso-Mayo posibleng pumalo sa 40 °C