Home NATIONWIDE Cashless payment methods pumapatok na sa mga Pinoy – pag-aaral

Cashless payment methods pumapatok na sa mga Pinoy – pag-aaral

MANILA, Philippines- Nabawasan na ang pagbabayad ng cash sa Pilipinas sa gitna ng paglawak ng pagtanggap sa cashless payment methods sa iba’t ibang retail categories, ayon sa resulta ng global payments solutions giant Visa.

Sa press briefing isa n Makati City nitong Huwebes, inilatag ni Visa country manager for the Philippines Jeff Navarro ang resulta ng pinakabagong Visa Consumer Payment Attitudes Study.

Isinagawa ang pag-aaral noong Oktubre hanggang Nobyembre 2023 sa pamamagitan ng online survey sa 1,000 Filipino consumers edad 18 hanggang 65-anyos, mula sa iba’t ibang lungsod at income brackets.

Ayon kay Navarro, batay sa resulta ng pag-aaral, bumaba ang cash usage sa nga Pilipino sa 87% noong 2023 mula 96% noong 2022.

Base pa sa pag-aaral, 43% ng mga Pilipino ang nagdadala ng mas mababang halaga ng cash sa kanilang mga wallet “mainly due to the growing consumer habit of using cashless and contactless payments, alongside the increasing acceptance of cashless payments among stores and merchants.”

Naobserbahan din sa Filipino consumers ang lumalagong pagtanggap sa cashless payments, partikular sa supermarkets sa 88%, food and dining sa 86%, at bill payments sa 82%.

“Filipinos are becoming more comfortable with cashless payments, and we are confident that they will continue to embrace new innovations in the digital payment landscape,” wika ni Navarro.

“With growth attributed to increasing payment acceptance across merchants for cards, both dip and contactless, as well as mobile wallets, Visa remains committed to ensuring a seamless transition to a cash-lite society by providing secure and convenient digital payment solutions,” dagdag niya.

Napag-alaman din sa pag-aaral na 52% ng consumers ang kumpiyansang lumabas nang walang cash at umasa sa cashless payment methods sa loob ng isang linggo.

Gayundin, isa sa tatlong consumers sa Pilipinas ang naniniwalang magiging cashless society ang bansa pagsapit ng 2030.

Samantala, pumalo naman ang card payments use sa 70% habang naitala ang mobile wallet at cash usage sa parehong 87%.

“Our study shows that the cashless wave is maintaining its momentum in the Philippines. We are moving closer to achieving a cashless Philippine society, but we still have some way to go,” pahayag ni Navarro. RNT/SA

Previous articleAustralia mamumuhunan ng $20M sa pagpapalakas ng PH justice system
Next articleAirline companies nagbabala vs pagbili ng ticket sa socmed