Home HOME BANNER STORY ‘Cashless policy’ paiiralin ng BuCor sa lahat ng kulungan sa Setyembre

‘Cashless policy’ paiiralin ng BuCor sa lahat ng kulungan sa Setyembre

MANILA, Philippines- Ilulunsad ng Bureau of Corrections ang cashless policy sa lahat ng operating prisons and penal farms (OPPFs) sa Setyembre upang puksain ang iligal na mga aktibidad gamit ang cash.

Ipinaliwanag ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. nitong Linggo na pinapayagan ang person deprived of liberty (PDLs) na humawak ng pera, mula sa paglahok nila sa mga trabaho at livelihood programs o perang ipinadala sa kanila ng mga kaanak at kaibigan, upang suportahan ang limitadong resources na nakalaan para sa kanilang mga pangangailangan.

Subalit, dahil nakatanggap ang BuCor ng mga ulat na ginagamit ng ilang PDLs ang kanilang pera para sa mga iligal na business transaction, sinabi ni Catapang na ikakasa ang OPPFs bilang “cashless zones.”

“By this we mean, PDLs and even corrections officers assigned to man the security compound will not be allowed to carry cash money or else it will be confiscated,” dagdag ni Catapang.

Ilalagay ang perang makukumpiska mula sa PDLs sa trust fund ng PDL, habang ang nasamsam na pera mula sa corrections officers o COs ay ide-deposit sa kanilang employees trust fund.

Sa halip na cash, maglalabas ang BuCor ng PDLs booklets, katulad sa ini-isyu ng mga bangko,  kung saan makikita ang halaga ng pera ng may-ari nito, at gagamitin upang makabili ang isang PDL mula sa IPX, tindahan sa loob ng preso.

Pinapayagan silang makatanggap ng hanggang P2,000 kada linggo.

“With the new policy, we are hitting two birds with one stone. One is eradicating the use of cash money in illegal business transactions of PDLs, and two, we will be able to discipline our own personnel from meddling with PDL’s money,” babala ng BuCor chief. RNT/SA

Previous articleDILG sa Makati, Taguig: Comelec asistihan sa BSKE sa mga inilipat na barangay
Next articleLalaking umatake sa pamilyang Pinoy sa LA, makukulong ng 848 araw