Home ENTERTAINMENT Cassy, ibinuking si Paulo!

Cassy, ibinuking si Paulo!

Manila, Philippines – In the figurative sense, ngayon pa lang nagsisimula ang buhay para kay Paolo Contis.

Ito’y base sa kasabihang “Life begins at 40.”

Nito ngang March 14, Huwebes ay sarado kuwarenta anyos ang aktor at dating TV host ng Tahanang Pinasaya.

Matatandaang nag-last live telecast ang TP nitong March 2, 12 days before Paolo’s birthday.

Despite the program’s closure, Paolo gained friends.

Isa na rito si Cassy Legaspi who didn’t let the day slip by without sending Paolo a touching birthday message.

Post ni Cassy sa kanyang Instagram story: “Kuya Pao, happy birthday, Papa Bear! Thank you for always taking care of us and always looking out for me. Thank you for your patience, dahil hindi ka pa kakain unless kumaon na ako!”

Ibinisto nga ni Cassy ang ugali ng aktor na hangga’t hindi pa raw siya nakakakain ay nungkang susubo ito.

Back in TP, it was either Paolo waited for Cassy until she ate o sabay silang kumain.

Samantala, marling itinanggi ni Paolo na masama ang loob niya sa GMA sa pagkakansela ng TP, bagama’t hindi itinago ng aktor na nalungkot siya para sa staff at crew na nawalan ng hanapbuhay.

Bukod sa mga hosts, tinatayang 130 ang bilang ng mga talents at empleyado na nawalan ng trabaho. Ronnie Carrasco IiI

Previous articleFishery sector binalaan ni Villar vs overfishing: ‘Disyerto sa dagat, possible’
Next articleFans ni Kathryn, mas bet si Echo kesa kina Alden at David!