Home NATIONWIDE Castro sa pagbibitiw ni VP Sara bilang DepEd chief: Sa wakas!

Castro sa pagbibitiw ni VP Sara bilang DepEd chief: Sa wakas!

MANILA, Philippines – “Sa wakas ay nag-resign na din sa DepEd si VP Sara. Sana ay mas maaga niya itong ginawa para makapaglagay ng isang kalihim ng DepEd na galing talaga sa sektor ng edukasyon at alam ang kanyang ginagawa.”

Ito ang naging komento ni House Deputy Minority Leader ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ukol sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary.

“Nasayang ang mahigit dalawang taon para ayusin agad ang education crisis sa bansa at makita ang sahod ng mga guro at education support personnel,” anang mambabatas na siya ring isang guro.

Giit pa ni Castro na “long overdue” na umano ang pagbibitiw.

Noong nakaraang Miyerkules, personal na nagtungo sa Malacañang si Bise Presidente Duterte para isumite ang kanyang pagbibitiw bilang DepEd chief, gayundin ang vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). RNT