Manila, Philippines – Ang pagiging malapit niya raw sa kanyang ina ang dahilan kung bakit gusto ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ng dalawang anak na babae.
Actually, Catriona has two options: either one boy and one girl or two girls.
Basta dalawang anak ang gusto niyang maging produkto ng pagmamahalan nila ni Sam Milby.
Ito ang ibinunyag ng Fil-Aussie beauty sa vlog interview ni Dra. Vicky Belo.
Kasabay ito ng pagsasabing sa susunod na taon na raw ang nakatakda nilang pag-iisang-dibdib.
Hindi naman binanggit ni Cat kung dito ba sa bansa or in her native Australia gaganapin ang kanilang altar date.
Neither did Catriona drop a hint kung beach wedding din ba ito tulad ng sa predecessor niyang si Miss Universe Pia Wurtzbach who tied the knot with Jeremy Jauncey in Seychelles last March 24.
One thing’s for certain: sigurado na ang former beauty queen sa pagpapakasal kay Sam who she describes “as a gentle and patient person.”
Sa tatlong taon nilang pagiging magkasintahan, na-realize daw ni Catriona na hindi “manggagamit” si Sam just because she was Miss Universe.
Also, with Sam daw: “He always makes me feel safe.”
Matatandaang naiulat sa social media na ikinasal na sina Catriona at Sam dahil sa nakasulat na “Mrs. Milby” sa baso ng iniinuman ng una.
Mabilis naman itong pinabulaanan ni Catriona, na sinusugan naman ni Sam in a separate interview. Ronnie Carrasco III