Home METRO Cat cannibalism sa kulungan ng barangay, iimbestigahan

Cat cannibalism sa kulungan ng barangay, iimbestigahan

DASMARINAS, Cavite- POSIBLENG managot ang mga opisyal ng isang barangay hinggil sa isyu ng cat cannibalism sa kanilang kulungan ng mga nahuling pusang kalye, nitong Miyerkules sa lungsod na ito.

Sa pahayag ng Dasmariñas City Veterinary Office, iimbestigahan na nila kung may kapabayaan ang Barangay San Jose na pinamumunuan ni Chairman Jeff Frani.

Nag-ugat ang isyu ng cat cannibalism sa nasabing barangay matapos kumalat ang video ng isang residente at nakuhanan nito ang dalawang kalansay na pusa sa loob ng kulungan na kinakain naman ng mga kasamang pusa na nakakulong.

Posible umanong nagutom ang mga pusa dahilan para manghina ang mga ito at namatay sa loob ng kulungan kaya kinain na rin ito ng mga kasamang pusa.

Depensa naman ni Frani, hindi nila pinapabayaan sa kanilang pound ang mga nahuhuli nilang aso at pusa sa kalye at pinapakain nila ito dalawang beses sa loob ng isang araw.

Sinabi pa ni Frani, araw-araw silang nakakatanggap ng reklamo mula sa mga tao na nakagat sila ng aso o pusa kaya naman hinuhuli nila ang mga ito.

Pansamantala naman pinahinto ng city veterinarian ang operasyon ng barangay sa kanilang impounding habang inaayos ang sistema at kausapin ang mga tauhan. Mary Anne Sapico

Previous articlePAWS magsasampa ng kaso vs killer ni Killua
Next article‘Abused wives’ ng AFP officers, pinadudulog ni Bato sa Senado: ‘Magsumbong kayo’