Home HOME BANNER STORY Catapang sa Bilibid PDLs: Lahat ng kontrabando, isuko na!

Catapang sa Bilibid PDLs: Lahat ng kontrabando, isuko na!

346
0

MANILA, Philippines – Binigyan na lamang ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ng hanggang Linggo, Agosto 13 na palugit ang persons deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison upang isuko ang lahat ng kanilang mga kontrabando.

Sa pahayag, sinabi ni Catapang na kung hindi isusuko ng mga PDL ang kanilang mga kontrabando, araw-araw silang magkakasa ng paggalugad na tinatawag na “Operations Greyhound.”

“I am appealing to other groups inside the national penitentiary to cooperate with us, to come forward and surrender their contrabands because we will be relentless in our efforts. I assure you that it is not just a ningas cogon, we will not waver until we find those contrabands,” ani Catapang.

Ang pagbibigay ni Catapang ng ultimatum ay kasunod ng pagsusuko ng grupo ng mga PDL ng hand grenade, tatlong piraso ng improvised shotgun, 3 piraso ng shotgun cartridges, at iba pang armas.

Ayon sa opisyal, isasagawa ang inspeksyon upang malaman kung paano nakakalusot sa security inspection ang mga ito.

Samantala, siniguro naman ni Catapang sa mga PDL na makikipagtulungan sa kanya na makalalaya ang mga ito matapos ang kanilang minimum sentence, habang ang mga lalabag at makikipagmatigasan sa kanya ay mas matatagalan.

Nagbabala rin siya sa mismong mga tauhan niya na gampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.

“We all have jobs to do, I will not tolerate incompetence. I still believe that good changes in the bureaucracy can still happen,” sinabi pa ni Catapang. RNT/JGC

Previous articleVax certificates ‘di na kailangan sa inbound travellers
Next articlePDP magsusulong pa ng economic growth momentum – Balisacan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here