Boss Dada TV - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Thu, 08 May 2025 08:27:44 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0.1 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png Boss Dada TV - Remate Online https://remate.ph 32 32 AFP AND PNP NEUTRALIZE WANTED SUSPECTS IN TAGUM CITY https://remate.ph/afp-and-pnp-neutralize-wanted-suspects-in-tagum-city/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=afp-and-pnp-neutralize-wanted-suspects-in-tagum-city https://remate.ph/afp-and-pnp-neutralize-wanted-suspects-in-tagum-city/#respond Thu, 06 Feb 2025 16:16:40 +0000 https://remate.ph/?p=627338 A combined team of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) successfully carried out an operation in Tagum City on January 31, 2025, resulting in the neutralization of two wanted individuals, Norman Saquin and Rozendel Cañete. Both suspects were believed to be part of a gun-for-hire group and faced […]

The post AFP AND PNP NEUTRALIZE WANTED SUSPECTS IN TAGUM CITY first appeared on Remate Online.

]]>
A combined team of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) successfully carried out an operation in Tagum City on January 31, 2025, resulting in the neutralization of two wanted individuals, Norman Saquin and Rozendel Cañete. Both suspects were believed to be part of a gun-for-hire group and faced multiple charges for murder and illegal possession of firearms.

The operation was part of heightened efforts to ensure a peaceful and orderly 2025 national and local elections. The AFP and PNP had been gathering intelligence to identify and locate individuals who could disrupt the upcoming elections. Acting on warrants, the joint team approached the suspects’ rented unit in Camella Trails subdivision in Barangay Visayan Village. As the team attempted to make the arrests, the suspects opened fire, leading to a shootout. Saquin was killed in the exchange, while Cañete managed to flee, but was later caught and killed after engaging the operatives in another shootout.

In a separate incident that same evening, another accomplice, Renz Balmaceda, was tracked down within the same subdivision. He also resisted arrest, but was eventually apprehended.

The operation was carried out by various AFP and PNP units, including the 60th Infantry Battalion, 1001st Infantry Brigade, 25th Infantry Battalion, and the Davao del Norte and Davao de Oro Provincial Police Offices.

BGen Ronnie Babac, Commander of the 1001st Brigade, praised the teamwork and commitment shown by the combined forces. He stated that the operation was part of the efforts outlined in COMELEC Resolution No. 11056, which tasks the AFP and PNP with ensuring peace during the election period.

Both BGen Babac and Maj. Gen. Allan Hambala, Division Commander of the 10th Infantry Division, commended the swift action of the AFP and PNP personnel involved, stating that their efforts will contribute to safer and more orderly elections in Davao del Norte and Davao de Oro.

The post AFP AND PNP NEUTRALIZE WANTED SUSPECTS IN TAGUM CITY first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/afp-and-pnp-neutralize-wanted-suspects-in-tagum-city/feed/ 0
SEN. BATO NALIGTAS SA DISGRASYA SA ERE https://remate.ph/sen-bato-naligtas-sa-disgrasya-sa-ere/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sen-bato-naligtas-sa-disgrasya-sa-ere https://remate.ph/sen-bato-naligtas-sa-disgrasya-sa-ere/#respond Tue, 04 Feb 2025 02:49:11 +0000 https://remate.ph/?p=626666 MAITUTURING na bagong buhay ang pagkakaiwas sa kamatayan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng bumagsak na helikopter sa Guimba, Nueva Ecija. Kung nagkataon, kasunod sana nito si Police Colonel Pergentino Malabed Jr. na nasawi kamakailan sa United States nang magbanggaan ang isang American Airlines at isang Black Hawk military helikopter. Kinumpirma mismo ni […]

The post SEN. BATO NALIGTAS SA DISGRASYA SA ERE first appeared on Remate Online.

]]>
MAITUTURING na bagong buhay ang pagkakaiwas sa kamatayan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng bumagsak na helikopter sa Guimba, Nueva Ecija.

Kung nagkataon, kasunod sana nito si Police Colonel Pergentino Malabed Jr. na nasawi kamakailan sa United States nang magbanggaan ang isang American Airlines at isang Black Hawk military helikopter.

Kinumpirma mismo ni Sen. Bato na siya at dalawa niyang security aide ang sakay ng helikopter na piniloto ni Captain Julia Flori Po papuntang Baguio City kamakailan.

Kwento niya, naisip niyang sasakay muli sa nasabing helikopter papunta naman sa Binmaley, Pangasinan ngunit sa huli pinauwi na lang niya si Po at magbibiyahe na lang siya gamit ang sasakyan patungo sa Pangasinan.

Makaraan nito, wala na siyang balita mula sa kay Po at sa helikopter at huli na nang malaman niyang nadisgrasya na pala ito.

Sinubukang iligtas ng mga naunang mamamayang sumaklolo si Po at isang residente sa lugar ang nagsabing pinutol pa nila ang seatbelt para ito iahon ngunit patay na ito sa mahigit kataong lalim ng tubig na pinagbagsakan ng helikopter.

SINO ANG HINDI KAKABAHAN?

Batay sa mga nagaganap sa mga eroplano at helikopter ngayon, hindi ka ba kakabahan kung mahilig kang magbiyahe gamit ang mga sasakyang himpapawid na ito?

Aba, mga Bro, sunod-sunold ang mga disgrasya sa mga ito.

Bago magkatapusan ang taon, 179 sa 181 na pasahero at crew ang namatay sa nag-emergency landing na Jeju Air sa Muan Airport sa South Korea.

Sumunod dito ang pagkasunog naman ng Busan Air sa Gimhae International Airport sa Busan, South Korea.

Mabuti na lang at naligtas lahat ang 176 na pasahero, kasama ang pitong crew nito.

Makaraan nito, nagbanggaan naman ang isang American Airlines at ang Black Hawk sa ere at namatay lahat ang 67 pasahero at crew ng dalawang sasakyan.

Natagpuan ang dalawang sasakyan sa gitna ng Potomac River at naging pahirapan ang rescue operations hanggang sa ideklara ng mga awtoridad na walang nakaligtas, kasama na si P/Col. Malabed.

Matapos nito, bumagsak naman ang isang medical plane sa Philadelphia sa US pa rin matapos itong mag-dive mula sa ere, bumangga sa isang gusali at nagliyab na lumikha ng sunog sa mga gusali at sasakyan.

Patay ang anim na pasahero nito at isa pa na nadamay sa pinagbaqsakan nito.

Kahapon lamang din, nasunog ang pakpak ng isang United Airlines plane sa George Bush Intercontinental/Houston Airport, Texas bago lumipad.

Puno umano ng pasahero ang eroplano ngunit naligtas naman sila sa mabilisang paglabas na isinagawa ng mga awtoridad.

Halos kasabay nito ang isa pang eroplanong nakabanggaan naman ng isang tarmac tug vehicle ngunit sa ibang paliparan naganap.

MAGDASAL AT MAGDASAL

Anoman ang mga dahilan ng mga disgrasya, masasabi nating sa Diyos lang tayo talaga makaaasa na manatiling buhay sa ganitong pangyayari.

Kaya, mga Bro, matuto lahat tayong magdasal.

The post SEN. BATO NALIGTAS SA DISGRASYA SA ERE first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sen-bato-naligtas-sa-disgrasya-sa-ere/feed/ 0
DISGRASYA SA EROPLANO PAANO KAYA MAPIPIGILAN? https://remate.ph/disgrasya-sa-eroplano-paano-kaya-mapipigilan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=disgrasya-sa-eroplano-paano-kaya-mapipigilan https://remate.ph/disgrasya-sa-eroplano-paano-kaya-mapipigilan/#respond Sat, 01 Feb 2025 01:37:59 +0000 https://remate.ph/?p=626062 SUNOD-SUNOD ang mga bumagsak na eroplano at tila nauuso ngayon. Pinakahuli ang pagbagsak ng isang military helicopter at pampasaherong American Airlines matapos magsalpukan sa ere sa ibabaw ng Reagan Washington National Airport sa Washington DC, United States kahapon. Dire-diretso ang helikopter sa American Airline hanggang sa salpukin nito ang huli na pababa na para mag-landing […]

The post DISGRASYA SA EROPLANO PAANO KAYA MAPIPIGILAN? first appeared on Remate Online.

]]>
SUNOD-SUNOD ang mga bumagsak na eroplano at tila nauuso ngayon.

Pinakahuli ang pagbagsak ng isang military helicopter at pampasaherong American Airlines matapos magsalpukan sa ere sa ibabaw ng Reagan Washington National Airport sa Washington DC, United States kahapon.

Dire-diretso ang helikopter sa American Airline hanggang sa salpukin nito ang huli na pababa na para mag-landing sa 100 piye na lang sa lupa.

May sakay na 60 pasahero at 4 na crew ang American Airline at may 3 naman ang helikopter at idineklara na silang patay lahat.

Nauna rito, bumagsak din ang eroplano ng Greater Pioneer Operating Company sa sarili nitong airport sa Sudan.

Lahat ng 20 obrero nasawi, kabilang na ang dalawang Tsino at isang Indian at inaalam pa ang dahilan ng disgrasya.

Magkasunod namang bumagsak ang malalaking eroplanong pampasahero sa South Korea kamakailan.

Nitong Disyembre 29, 2024, bumagsak ang isang Jeju Air sa Muan Airport sa South Korea at dalawa lang ang nakaligtas sa 81 na pasahero.

Galing ang eroplano sa Thailand at nakahigop umano ang dalawang makina nito ng mga lumilipad na pato o itik at naging sanhi ng emergency landing nito hanggang sa bumangga sa isang konkretong istruktura sa airport at lumiyab.

Hindi man bumagsak kundi naghahanda nang lumipad ang Air Busan patungong Thailand, biglang nasunog dahil umano sa problema sa mga baterya nito mismo sa Gimhae International Airport sa Busan kamakailan lang.

Mabuti na lang at naging mabilis ang mga responder para iligtas ang 176 na pasahero, kasama ang isang Pinoy.

Sa Pilipinas, may mga nagka-crash na eroplano pero mga pribado at maliliit at helikopter.

Sakaling may maganap na mga crash at disgrasya sa malalaking eroplano sa Pilipinas, gaano kaya kabilis at kahusay ang mga responder natin, pangunahin para magligtas ng mga pasahero at crew?

Pero mas mahalaga, paano tiyakin ng gobyerno na makatulong ang lahat ng nagmamando ng mga paliparan natin para maiwasan ang mga katulad na disgrasya?

 

The post DISGRASYA SA EROPLANO PAANO KAYA MAPIPIGILAN? first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/disgrasya-sa-eroplano-paano-kaya-mapipigilan/feed/ 0
GUTOM SA US AT SA PINAS TUGUNAN https://remate.ph/gutom-sa-us-at-sa-pinas-tugunan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gutom-sa-us-at-sa-pinas-tugunan https://remate.ph/gutom-sa-us-at-sa-pinas-tugunan/#respond Fri, 31 Jan 2025 01:38:53 +0000 https://remate.ph/?p=625905 NAGSIMULA nang mawalan ng trabaho o pagkakitaan ang mga Pinoy na alanganin ang kalagayan sa United States dahil sa pagpapalayas roon sa mga iligal at may criminal record. Kasama na rito ang nasa 350,000 Pinoy na sinasabing iligal na naninirahan o nagtatrabaho roon. Pero hindi lang ang iligal na paninirahan at pagtatrabaho ang pinalalayas kundi […]

The post GUTOM SA US AT SA PINAS TUGUNAN first appeared on Remate Online.

]]>
NAGSIMULA nang mawalan ng trabaho o pagkakitaan ang mga Pinoy na alanganin ang kalagayan sa United States dahil sa pagpapalayas roon sa mga iligal at may criminal record.

Kasama na rito ang nasa 350,000 Pinoy na sinasabing iligal na naninirahan o nagtatrabaho roon.

Pero hindi lang ang iligal na paninirahan at pagtatrabaho ang pinalalayas kundi pati ang mga may criminal record.

At patunay rito ang 24 Pinoy na dumating kamakailan sa Pinas dahil may ginagawang krimen umano ang mga ito.

Dahil dito, maaaring hindi lang 350,000 Pinoy ang mapalalayas kundi mas marami pa.

GUTOM DOON, GUTOM DITO

Alam ba ninyo ang biglaan ding dumadapo sa mga nangangambang mapalayas o ma-deport?

Gutom.

Ito’y dahil hindi na basta makalabas ang mga ito sa kanilang mga tinitirhan upang maghanapbuhay.

Napakarami umanong gumagalang ahente o tauhan ng Department of Homeland Security at Immigration and Customs Enforcement.

Kapag nakakita sila ng mga dayuhan, halimbawa sa mga kalsada, basta na lang umano nagtatanong ang mga ito kung may dala silang mga dokumento na patunay na ligal ang kanilang mga paninirahan doon.

Panay rin ang pagsusuri sa mga rekord ang nasabing mga ahensya at kung may masilip silang mga hindi kanais-nais na gawa ng mga dayuhan, nangre-raid ang mga ito kahit saan.

Pati mga pabrika at sakahan na karaniwang may maraming dayuhan nagtatrabaho kahit maliit lang ang sahod, pinupuntahan din ng mga ahente.

Kaya tago nang tago nang todo ngayon ang dati nang tago nang tago noon.

Saan nga ito patutungo kundi gutom?

Ang masama pa, dahil wala na silang pagkakitaan doon, wala na rin silang maipadadala o remittance sa Pinas.

Ano pa ang kasunod nito kundi gutom din sa mga Pinoy sa Pinas na umaasa sa kanilang mga remittance?

Pero hindi lang gutom, mga Bro, ang problema kundi paghinto o pagkaputol na napakaraming bagay.

Tiyak na may hihinto sa pag-aaral na mga bata at hulog o upa sa mga tinitirhan at may mapuputulan ng tubig at kuryente.

Paano pa kung may nagkasakit?

Hindi magaan ang mga problemang ito.

HAMON SA GOBYERNO

Malinaw na hindi umuubra ang mga payo sa mga iligal na Pinoy sa US na huwag silang mangamba dahil mabait umano ang Amerika sa mga Pilipino.

May magtatanggol din umano sa kanila na mga abogado, non-government organizations at iba pa.

Pero malinaw na hindi umubra ang mga ito batay sa kaso ng 24 Pinoy na biglang pinauwi sa Pinas.

Ano-ano na nga ba ang mga ginagawa ng pamahalaan sa rami ng posibleng palalayasin sa US at masamang epekto nito sa posibleng daang libo o milyong Pinoy sa Pilipinas?

Nagtatanong tayo dahil hindi nating maringgan, halimbawa, ang mga nakaupong senador at kongresman kung ano ang maitutulong nila sa Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration na kumikilos na para sa mga Pinoy.

 

The post GUTOM SA US AT SA PINAS TUGUNAN first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/gutom-sa-us-at-sa-pinas-tugunan/feed/ 0
PARA SA KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA https://remate.ph/para-sa-kapayapaan-pagkakaisa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=para-sa-kapayapaan-pagkakaisa https://remate.ph/para-sa-kapayapaan-pagkakaisa/#respond Thu, 09 Jan 2025 00:16:57 +0000 https://remate.ph/?p=620961 TULOY na pala ang isasagawang pagtitipon ng ‘Iglesia Ni Cristo’ upang suportahan ang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos sa Kongreso na huwag ituloy ang planong pagpapatalsik kay VP Sara Duterte sa pamamagitan ng ‘impeachment.’ Tatawagin itong pagtitipon para sa kapayapaan at pagkakaisa. Gaganapin ang pagtitipon sa Enero 13, Lunes, kung saan asahan na ang pagsisikip […]

The post PARA SA KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA first appeared on Remate Online.

]]>
TULOY na pala ang isasagawang pagtitipon ng ‘Iglesia Ni Cristo’ upang suportahan ang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos sa Kongreso na huwag ituloy ang planong pagpapatalsik kay VP Sara Duterte sa pamamagitan ng ‘impeachment.’

Tatawagin itong pagtitipon para sa kapayapaan at pagkakaisa.

Gaganapin ang pagtitipon sa Enero 13, Lunes, kung saan asahan na ang pagsisikip ng trapiko sa buong Metro Manila at iba pa ng mga pangunahing lugar sa iba’t-ibang panig ng bansa.

At dahil sadyang maimpluwensiya at may disiplina ang kanilang hanay, ngayon pa lang ay “dispensa” na ang apela ng INC sa inaasahang ‘inconvenience’ sa publiko bunga nang pagdalo ng libo-libo nilang mga miyembro.

Noong Nobyembre pa ginawa ni PBBM ang kanyang apela na tigilan na ang impeachment dahil nga mas maraming problema na mas dapat asikasuhin, pero sagot ng Kongreso?

Tatlong magkakasunod na ‘impeachment complaint ‘ laban kay VP Inday ang inihain bago natapos ang 2024.

Sa nangyari, may mga “tamang hinala” tuloy kung “totoo” bang may “impluwensiya” ba si PBBM sa Kongreso katulad ng alam ng karamihan? O baka naman daw… “zarsuela” lang ang lahat, hehehe!

Dahil nga maganda ang panawagan ni PBBM, nitong Disyembre 4, nagdeklara ang INC na suportado nila ang Pangulo at nakahanda pa silang “magrali” para dito.

‘Yun nga lang , mukhang “bingi” ang Kongreso kaya tuloy lang ang pagtanggap ng mga reklamo laban kay VP Sara. Baka naman… iniisip nila na ‘joke only’ lang ang pahayag ng INC?

Aber, sa mga seryosong usapin tulad ng kapayapaan at pambansang pagkakaisa, kailan pa hindi naging seryoso ang Iglesia?

At ngayong may petsa na ang nasabing pagtitipon, eh “saan” kaya “dadamputin” ang mga politikong kontra sa panawagan ni PBBM at INC pagdating ng halalan?

Abangan!

The post PARA SA KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/para-sa-kapayapaan-pagkakaisa/feed/ 0
PBBM KUMPIYANSA SA PAGBANGON NG EKONOMIYA NG BANSA NGAYONG 2025 https://remate.ph/620043-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=620043-2 https://remate.ph/620043-2/#respond Sat, 04 Jan 2025 01:49:07 +0000 https://remate.ph/?p=620043 SA kabila ng anim na sunod-sunod na bagyong humagupit sa bansa sa loob lamang ng isang buwan na bihirang nangyari sa loob ng mahabang panahon, nanatiling naka-focus sa pagpapalago ng ekonomiya at kabuhayan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Bagaman dumanas ng delubyo at pinakamalupit na hagupit ng mga nagdaang bagyo ang Bicol […]

The post PBBM KUMPIYANSA SA PAGBANGON NG EKONOMIYA NG BANSA NGAYONG 2025 first appeared on Remate Online.

]]>
SA kabila ng anim na sunod-sunod na bagyong humagupit sa bansa sa loob lamang ng isang buwan na bihirang nangyari sa loob ng mahabang panahon, nanatiling naka-focus sa pagpapalago ng ekonomiya at kabuhayan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Bagaman dumanas ng delubyo at pinakamalupit na hagupit ng mga nagdaang bagyo ang Bicol Region na may pinakamalawak na pinsala sa agrikultura, pangingisda, at iba pang kabuhayan, hindi nagkulang sa paghahanda ang rehiyon kaya’t isa lamang ang nasawi sa Camarines Norte.

Mas marami pa ang nasawi sa Nueva Vizcaya na umabot sa pito dahil naman sa nangyaring landslide bunga rin ng hagupit ng sunod-sunod na bagyo.

Sa kabila nito, ipinamalas ng administrasyon ng Pangulong Marcos na handa ang pamahalaan at iba’t-ibang ahensya nito na tumugon sa naganap na delubyo sa pamamagitan nang pamamahagi ng ayuda, hindi lamang food packs kundi maging financial assistance at materyales sa muling pagbuo ng nawasak na mga tirahan.

Dahil dito, mabilis ang muling pagbangon ng mga taga-Bicolandia sa naranasang delubyo lalo’t nakaalalay sa kanila ang pamahalaan at mga tulong na dumating mula sa mga kaalyadong bansa, partikular ang Estados Unidos at Japan.

Hindi lamang ang delubyong dulot nang sunod-sunod na bagyo ang nagsilbing hamon sa administrasyong PBBM kundi ang malupit ding resulta ng pagtaas ng inflation rate o ang paglobo ng halaga ng mga bilihin at serbisyo.

Sa pagnanais pa rin ng Pangulo na tugunan ang inflation rate, lalo na ang presyo ng bigas na pangunahing pagkain ng masang Pinoy, ibinaba sa 15 porsyento ang tariff o buwis na dapat bayaran sa pag-aangkat ng bigas mula sa dating 35 porsyento.

Bagaman napakaliit lamang ang magandang resultang pagtatapyas ng bayad sa buwis ng mga imported na bigas na sabi ng mga kritiko ay pawang mga importer lamang ang nakinabang, pinadami naman ng administrasyon ang mga Kadiwa Rolling Store sa buong bansa kung saan makabibili ang consumers ng mas murang halaga ng bigas at iba pang pangunahing produktong pagkain.

Iniutos din ni PBBM ang matinding reporma sa sektor ng agrikultura na nagresulta para makamit ng National Food Authority ang 95 porsyento ng mithiin nilang ‘buffer stock’ ng bigas na ipamamahagi sa mga mamamayang nasalanta ng matinding sakuna.

Ngayong pagpasok ng taong 2025, kumpiyansa ang administrasyong Marcos na magtutuloy-tuloy ang pagbangon ng kabuhayan at ekonomiya, hindi lamang sa Bicol Region at iba pang rehiyon na sinalanta ng sunod-sunod na bagyo, kundi ang ekonomiya ng buong bansa.

Amen!

The post PBBM KUMPIYANSA SA PAGBANGON NG EKONOMIYA NG BANSA NGAYONG 2025 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/620043-2/feed/ 0
ANG ‘MENSAHE’ NG SURVEY https://remate.ph/ang-mensahe-ng-survey/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ang-mensahe-ng-survey https://remate.ph/ang-mensahe-ng-survey/#respond Thu, 19 Dec 2024 02:11:30 +0000 https://remate.ph/?p=617639 MAY “ipinasa” sa ating resulta ng SWS ‘survey’ sa Maynila kung saan BUMABA sa “nakatatakot” na 16-puntos ang porsiyento ng mga Manilenyo na boboto kay ex-Yorme Isko Moreno, kumpara sa resulta ng OCTA survey noong Hulyo, kung ngayon gaganapin ang halalan. Batay sa SWS suvey na isinagawa sa pagitan ng Oktubre 27-31, 70 porsiyento ng […]

The post ANG ‘MENSAHE’ NG SURVEY first appeared on Remate Online.

]]>
MAY “ipinasa” sa ating resulta ng SWS ‘survey’ sa Maynila kung saan BUMABA sa “nakatatakot” na 16-puntos ang porsiyento ng mga Manilenyo na boboto kay ex-Yorme Isko Moreno, kumpara sa resulta ng OCTA survey noong Hulyo, kung ngayon gaganapin ang halalan.

Batay sa SWS suvey na isinagawa sa pagitan ng Oktubre 27-31, 70 porsiyento ng mga Manilenyo ang boboto kay ‘Kois,’ higit na mababa sa 86 porsiyento na pumabor sa kanya sa survey ng OCTA na isinagawa sa pagitan ng Hulyo 8-10.

‘Yun, nga lang, dear readers, survey ng OCTA, 8 porsiyento lang ang boboto kay ‘incumbent’ Mayor Honey Lacuna at 11 porsiyento lang kay Versoza.

Ang ‘translation,’ Bambi Purisima? Wala pa ring katalo-talo si Mayor Isko, hehehe.

Subalit, may isa pang mas mahalagang mensahe ang mga lumabas na survey, mga kabayan, na kahit anong “pagpapabango” ng kampo ni Lacuna ay isang hindi maitatagong katotohanan– “walang ‘wenta”ang kanyang liderato at 3-taong pamumuno sa kapitolyo ng bansa.

Aber, saan ba naman kayo nakakita na sa survey ng SWS, mas mataas pa sa 17-porsiyento ang popularidad ng artistang si Sam Versoza kumpara sa onse porsiyento ni Lacuna, samantalang “hilaw na hilaw” si Verzosa kumpara kay Lacuna na betaranang politiko, ehek, lingkod-bayan.

Sa survey sa hanay ng mga kawani ng City Hall nitong Oktubre muli, ‘from gate-to-wire’ ang arangkada ni Isko (83.9 percent) at sumegundo pa ulit si Versoza (6.1 percent) habang “bugaw” sa datingan si Lacuna (2 percent).

Ano ang dahilan ng mga Manilenyo na mas gusto pang “subukan” si Verzosa na maglingkod sa kanila sakaling sila lang ni Lacuna ang magkalaban sa eleksyon?

Isa lang ang malinaw na mensahe: Teh, may “problema” ka! Yes, ikaw nga!

Abangan!

The post ANG ‘MENSAHE’ NG SURVEY first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/ang-mensahe-ng-survey/feed/ 0
GADON BLASTS SARA OVER ‘ALIBIS’ OVER QUESTIONED CIF https://remate.ph/617633-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=617633-2 https://remate.ph/617633-2/#respond Wed, 18 Dec 2024 16:46:26 +0000 https://remate.ph/?p=617633 PRESIDENTIAL Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon renewed his call for Vice President Sara Duterte to resign from her post as he blasted her for telling lies over her questionable confidential funds. Gadon was referring to a statement issued by the vice president who said that the confidential funds of her office were used on […]

The post GADON BLASTS SARA OVER ‘ALIBIS’ OVER QUESTIONED CIF first appeared on Remate Online.

]]>
PRESIDENTIAL Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon renewed his call for Vice President Sara Duterte to resign from her post as he blasted her for telling lies over her questionable confidential funds.

Gadon was referring to a statement issued by the vice president who said that the confidential funds of her office were used on its work in relation to national security.

Saying there’s a direct correlation between poverty and national security, Duterte said that all her projects and programs were targeting poverty alleviation.

But the anti-poverty presidential adviser didn’t buy her ‘excuses‘ sand said those were all lies since her office wasn’t a government agency tasked to implement programs for poverty alleviation and national security.

“Instead of fabricating these lies and excuses, she should better resign from her post rather than getting impeached as she is sure to be impeached over her anomalous confidential funds, among others.”

He further claimed that her giving of ‘assistance’ to the people was only part of her early campaigning ”in the guise of reducing poverty alleviation and national security.”

Tiangco hails cops for shabu yield

Navotas Mayor John Rey Tiangco lauded the city police for the arrest of two suspects including a male Chinese who allegedly yielded over two kilos of shabu
worth .

He also expressed his gratitude to Navoteños for their vigilance and active cooperation in combating illegal drugs.

The mayor encouraged his constituents to report suspicious activities through official city social media platforms or via the TXT JRT platforms, 0917-521-8578, 0908-886-8578 and 0922-888-8578.


DA praised for its Rice-for-All program</strong>

Navotas Rep. Toby Tiangco lauded the Department of Agriculture for expanding its Rice-for-All program and making cheaper rice available during the holidays.

“Sakto sa Kapaskuhan ang pagpapalawak ng implementation ng Rice-for-All Program. Mabibili na sa mas marami pang public markets, pati na train stations, ang P40 kada kilo na bigas kaya maiibsan din nito ang mga gastusin ng ating mga kababayan.”

Tiangco said the program aligns with the administration’s commitment to fight inflation and lower the prices of goods.

“I’m confident this program will continue to expand, given the President’s clear directive to explore all avenues to lower the prices of food staples,” he said.

The post GADON BLASTS SARA OVER ‘ALIBIS’ OVER QUESTIONED CIF first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/617633-2/feed/ 0
AGLIGTAS KAY VELOSO SA BITAYAN, SINO-SINO? https://remate.ph/agligtas-kay-veloso-sa-bitayan-sino-sino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=agligtas-kay-veloso-sa-bitayan-sino-sino https://remate.ph/agligtas-kay-veloso-sa-bitayan-sino-sino/#respond Tue, 17 Dec 2024 17:21:41 +0000 https://remate.ph/?p=617644 IPINAGBUBUNYI ng Pinas ang pagkakaligtas ni Mary Jane Veloso sa bitayan sa Indonesia at pag-uwi nito nang buhay sa Pilipinas. Pero sino-sino nga ba ang mga dapat na pangunahing pasalamatan sa usapin sa gitna ng pag-angkin ng kredito rito? Siyempre pa, unang-unang si Veloso mismo na nagkwento ng tunay na pangyayari, na ginamit siyang mule […]

The post AGLIGTAS KAY VELOSO SA BITAYAN, SINO-SINO? first appeared on Remate Online.

]]>

IPINAGBUBUNYI ng Pinas ang pagkakaligtas ni Mary Jane Veloso sa bitayan sa Indonesia at pag-uwi nito nang buhay sa Pilipinas.

Pero sino-sino nga ba ang mga dapat na pangunahing pasalamatan sa usapin sa gitna ng pag-angkin ng kredito rito?

Siyempre pa, unang-unang si Veloso mismo na nagkwento ng tunay na pangyayari, na ginamit siyang mule o tagadala ng 2.6 kilong heroin mula Malaysia hanggang Indonesia nang wala siyang kamalay-malauy.

Hindi siya pinaniwalaan sa Indonesia noon kaya hinatulan siyang guilty at dapat mabitay sa firing squad noong Abril 28, 2015.

Ang walong nakasabayan ni Veloso, sabay-sabay sila na-firing squad.

ANG KASAYSAYAN

Abril 21, 1910 noong ibiniyahe si Veloso ni Maria Cristina Sergio, bilang kanyang recruiter, para sa isang trabaho sa Malaysia.

Pagdating nila roon, hindi na umano available ang trabaho kaya makaraan ang ilang araw, binigyan siya ng isang linggong bakasyon sa Indonesia kaya pinabiyahe siya roon ng may maleta na naglalaman ng heroin nang hindi niya nalalaman.

Pagbaba niya sa Yogyakarta Airport sa Indonesia, doon na siya nasakote, ibinilanggo at hinatulang nagkasala ng Korte Suprema at mabitay nang pinal noong Abril 28, 2015 sa Nusakambangan, Central Java.

Pero dahil sa walang tigil na pagbabalita rito ng media at ilang human rights organization, kumilos nang todo ang mga pulis at nasakote nila si Sergio at kasabwat nitong si Julius Lacanilao noong Abril 27, 2015.

Mula rito, pumunta ang ilang opisyal ng Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at Department of Foreign Affairs sa Indonesia at inimpormahan nila ang pamahalaang Indonesia sa pagkakadakip nina Sergio at Lacanilao at kinunan ng affidavit si Veloso para sa kaukulang demanda laban sa mga recruiter.

Dahil dito at sa bisa ng ASEAN Mutual Legal Assistance Treaty, pinospon na mismo ni Indonesian President Joko Widodo ang pagbitay ilang oras bago isagawa ito at hinayaan nitong gumana ang hustisya laban sa mga recruiter bilang batayan ng susunod na aksyon ng Indonesia.

GUILTY SA HUMAN TRAFFICKING

Noong August 16, 2016, idineklarang nagkasala sa human trafficking sina Sergio at Lacanilao ng Regional Trial Court of Sto. Domingo, Nueva Ecija, Branch 88.

Ngunit binaligtad ang desisyon ito ng Court of Appeals noong December 13, 2017.

Noong Oct 9, 2019, sa desisyong isinulat ni Justice Ramon Paul Hernando, kinatigan nito ang desisyon ng RTC at pinawalambisa nito ang desisyon ng Court of Appeals at mula rito, naging mahigpit na ang kampanya ng Pilipinas para sa paglaya ni Veloso na nadatnan at ipinagpatuloy na lamang ni Pangulong Bongbong Marcos.

PASASALAMAT

Kaya naman, dapat pasalamatan una ang administrasyon ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo na panahon ng pagkakahuli kina Sergio at Lacanilao ng mga pulis, ni ex-Pres. Nonoy Aquino na humiling ng konsiderasyon kaya pinospon ni Widodo ang pagbitay noong Agosto 28, 2015, ni ex-Pres. Digong Duterte na panahon ng deklarasyong guilty ang dalawa ng RTC noong Agosto 2016 at ng Supreme Court noong Oktubre 2019.

Pero kung wala ang mga desisyon ng mga korte na pabor kay Veloso, hindi nakaya nabitay siya noon pa?

The post AGLIGTAS KAY VELOSO SA BITAYAN, SINO-SINO? first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/agligtas-kay-veloso-sa-bitayan-sino-sino/feed/ 0