Entertainment - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Thu, 02 Jan 2025 02:17:15 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png Entertainment - Remate Online https://remate.ph 32 32 Social services budget tinipid para sa P9.62B Pasig City Hall project –  Tindig Pasig https://remate.ph/social-services-budget-tinipid-para-sa-p9-62b-pasig-city-hall-project-tindig-pasig/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=social-services-budget-tinipid-para-sa-p9-62b-pasig-city-hall-project-tindig-pasig https://remate.ph/social-services-budget-tinipid-para-sa-p9-62b-pasig-city-hall-project-tindig-pasig/#respond Thu, 02 Jan 2025 02:17:15 +0000 https://remate.ph/?p=619491 Manila, Philippines- Tinipid umano ni Pasig Mayor Vico Sotto ang badyet ng lungsod para sa social services kaya nagkaroon ito ng mataas na budget surplus na hindi naman ikinagalak ng mga residente, ayon sa isang advocacy group. Ito’y makaraang maiulat sa media na umabot umano sa P3.024 bilyon ang pondong sumobra o surplus funds ng […]

The post Social services budget tinipid para sa P9.62B Pasig City Hall project –  Tindig Pasig first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines- Tinipid umano ni Pasig Mayor Vico Sotto ang badyet ng lungsod para sa social services kaya nagkaroon ito ng mataas na budget surplus na hindi naman ikinagalak ng mga residente, ayon sa isang advocacy group.

Ito’y makaraang maiulat sa media na umabot umano sa P3.024 bilyon ang pondong sumobra o surplus funds ng Pasig City na sinundan ng Lungsod ng Maynila na may funds surplus naman na P3.003 bilyon.

Ang naturang surplus funds ay galing sa sumobrang pondo mula sa kinita ng local government unit matapos maiawas ang kabuuang gastusin.

“Dismayado ang mga Pasigueño dahil sa laki umano ng budget surplus ay obyus na kinuripot ng pamahalaang lungsod ang badyet para sa basic services katulad ng health care at mga gamot at maging ang ayuda sa pag-aaral ng mga bata,” pahayag ng isa sa mga haligi ng advocacy group na Tindig Pasig na si Ram Cruz.

Ang tinutukoy ni Cruz ay ang umano’y palagiang reklamo ng mga Pasigueño na kakulangan ng mga gamot sa mga ospital at health care centers na nasa ilalim ng pangangasiwa ng city hall, kawalan ng medical equipment na kinakailangan sa pagtukoy ng tumpak na sakit ng pasyente, at maging ang mga nabibinbin na schools supplies at iba pang ayuda sa mag-aaral na mga batang Pasig.

Matatandaang bumagsak ang Pasig City sa ika-9 na pwesto mula sa ika-6 nitong ranggo noong 2019 sa nakaraang 2024 Rankings of Highly Urbanized Cities sa ilalim ng Cities and Municipalities Competitive Index ng Department of Trade and Industry.

Malaki umano ang naging kontribusyon ng kategoryang government efficiency sa nasabing rankings na kinabibilangan ng government services tulad ng health services, peace and order, school services, at social protection.

“Kaya naman makikita sa naturang rankings na lumagapak ang Pasig mula sa 4th place noong 2019 papunta sa 10th place ngayong taon sa naturang kategorya,” pahayag ni Cruz, na nagsabi pang ito umano ang naging dahilan upang masabi naming mga Pasigueño na tila “pampaganda lamang sa image at reports” ang mataas na budget surplus na tila’y ipinagmamalaki pa ng pamunuan ng lungsod.

Ang mataas na budget surplus ng LGU ay pawang sinasalamin umano ang pagtitipid ng kasalukuyang alkalde upang mapag-ipunan ang ipinatatayo nitong bagong Pasig City Hall complex na nangangailangan ng paunang pondo na higit P9.6 bilyon.

“Kaya pala walang mga gamot sa ospital health center, baku-bakong kalsada, walang school supplies at pailaw eh tinitipid pala, ayaw gastahin ang pondo sapagkat isinakripisyo ang badyet para sa basic services para matustusan ang garbo ng P9.62 bilyon na bagong munisipyo,” hinaing ng lider ng Tindig Pasig.

“Ang dami naman palang ipon pero parang wala namang nararamdamang maayos na serbisyo ang Pasigueños. Parang ang nakikinabang lang ay yung image building ng liderato, hindi ang tao mismo,” pagtatapos nito.

Kaugnay nito, wala namang naging pagbabago sa ranggo ng Pasig City na 9th place sa DTI Rankings sa magkasunod na taon ng 2023 at 2024, dahilan upang maging 8th place ang lungsod sa 2024 Most Improved Rankings para sa highly urbanized cities sa bansa. RNT

The post Social services budget tinipid para sa P9.62B Pasig City Hall project –  Tindig Pasig first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/social-services-budget-tinipid-para-sa-p9-62b-pasig-city-hall-project-tindig-pasig/feed/ 0
Medical mission, youth forum sa Pasigueño tuloy-tuloy- Ate Sarah https://remate.ph/medical-mission-youth-forum-sa-pasigueno-tuloy-tuloy-ate-sarah/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=medical-mission-youth-forum-sa-pasigueno-tuloy-tuloy-ate-sarah https://remate.ph/medical-mission-youth-forum-sa-pasigueno-tuloy-tuloy-ate-sarah/#respond Mon, 25 Nov 2024 08:20:34 +0000 https://remate.ph/?p=612252 Pasig City, Philippines-Pinatunayan ni Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya ang pagiging tunay na ina sa mga Pasigueño sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paghahandog niya ng medical mission para sa matatanda’t lokal ng Pasig at youth forum naman para sa mga kabataan ng lungsod. Ang medical mission na pinangunahan ng St. Gerrard Charity Foundation at […]

The post Medical mission, youth forum sa Pasigueño tuloy-tuloy- Ate Sarah first appeared on Remate Online.

]]>
Pasig City, Philippines-Pinatunayan ni Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya ang pagiging tunay na ina sa mga Pasigueño sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paghahandog niya ng medical mission para sa matatanda’t lokal ng Pasig at youth forum naman para sa mga kabataan ng lungsod.

Ang medical mission na pinangunahan ng St. Gerrard Charity Foundation at ng “Team Kaya This” ni Ate Sarah ay dinumog ng mga lokal ng Pasig upang makakuha ng libreng gamot at ng iba pang serbisyong medikal nitong Sabado, Nobyembre 23, sa Karangalan Covered Court, Barangay Dela Paz, Pasig City.

Sa loob ng isang araw ay nakapaghandog ng libreng gamot, medical check-up, dental services, eye check-up and glasses, medical lab services, X-ray, at ECG ang grupo.

Namigay rin si Discaya ng libreng wheelchairs, walking canes o tungkod, at mga saklay.

Bukod pa rito, mayroon ding iba pang lifestyle services na makikita sa medical mission tulad ng massage, haircut, manicure, at pedicure.

Ang mga serbisyong ito ay sinabayan pa ng pet vaccination habang namimigay ng mainit na pagkain ang mobile kitchen ni Discaya na mas kilala bilang “Kusina ni Ate Sarah” sa mga Pasigueño na dumalo para sa kanilang medikal na mga pangangailangan.

“Alam ko na kailangan ng mga Pasigueño na magkaroon ng free medical. Kaya talagang pinopokusan namin ang hospital packs, free medical check-ups, at libreng gamot,” sabi niya.

Ayon pa sa kanya, isa  sa kanilang pangarap ay maibigay at maipaabot ang mga handog nilang libreng gamot sa mga senior citizen upang hindi na pumunta ang mga ito sa mga health center.

Bukod sa mga libreng gamot at medical check-ups ay naghatid din ng libreng kaalaman ang grupo nina Ate Sarah para sa mga kabataan sa isang youth forum na ginanap noong araw na iyon sa MMI Building, Dr. Sixto Antonio Avenue, Pasig City.

Samantala, isang konsultahang kabataan naman ng mga batang Pasig ang nagbigay ng kaalaman ukol sa tamang pagboto, paghalal ng mga tamang lider, at iba pang kaalaman tungkol sa voters education bilang paghahanda sa nalalapit na midterm elections.

Naging posible ang naturang forum sa pagtutulungan ng Pasig Smart Youth Movement at education team ng St. Gerrard Charity Foundation na si Discaya ang siyang convenor at benefactor.

Kamakailan lamang ay kinilala bilang Outstanding Non-Government Organization of the Philippines ang St. Gerrard Charity Foundation sa Gawad Pilipino Lingkod Bayan Awards 2024 bunsod ng katapatan nitong pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na doon sa mga pamilyang nasa laylayan ng lipunan. RNT

The post Medical mission, youth forum sa Pasigueño tuloy-tuloy- Ate Sarah first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/medical-mission-youth-forum-sa-pasigueno-tuloy-tuloy-ate-sarah/feed/ 0
JC, naasar kay Alex! https://remate.ph/jc-naasar-kay-alex/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jc-naasar-kay-alex https://remate.ph/jc-naasar-kay-alex/#respond Sat, 23 Nov 2024 07:53:04 +0000 https://remate.ph/?p=611891 Manila, Philippines- Sa isang podcast, nagbahagi si JC de Vera ng kanyang journey bilang artista sa showbiz. Aniya, ang pagiging basketbolista raw ang gusto niyang karerin noong nasa Letran pa siya pero may iba palang plano sa kanya ang universe. Napadpad daw siya sa showbiz na aniyaý hindi raw naman niya pinagsisisihan. Una raw siyang […]

The post JC, naasar kay Alex! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines- Sa isang podcast, nagbahagi si JC de Vera ng kanyang journey bilang artista sa showbiz.

Aniya, ang pagiging basketbolista raw ang gusto niyang karerin noong nasa Letran pa siya pero may iba palang plano sa kanya ang universe.

Napadpad daw siya sa showbiz na aniyaý hindi raw naman niya pinagsisisihan.

Una raw siyang nabigyan ng break sa isang teen-oriented program sa GMA-7 kung saan naging ka-loveteam niya si Valerie Concepcion.

Pero noong mabuntis daw si Valerie, nag-worry daw siya kung saan na siya mapupunta.

True enough, sa pagpupursige niya ay nakagawa naman siya ng mga makabuluhang proyekto sa Kapuso network kung saan ay nagbida siya sa iba’t-ibang serye.

Sa nasabing podcast, inamin din niya na naging dyowa niya noon si Michelle Madrigal.

Sa kaso ni Rhian Ramos, never daw naman silang naging opisyal.

Sa mga nakasama naman niya noon, bilib daw siya kay Richard Gutierrez sa pagiging matinik sa mga bebot.

Inamin naman niya na nagsisi siya noon nang lumipat siya sa TV5 mula GMA-7.

Nagkaroon daw kasi ng falling out ang kanyang management sa isang executive ng Kapuso network kaya nadamay siya.

Ang ending, lumipat siya sa Kapatid station.

Kaso, hindi rin daw siya masyadong nagtagal sa Singko dahil struggling pa raw ang network during that time kaya hindi na rin na-renew ang kanyang kontrata.

Itinuturing daw niyang best decision sa kanyang career ang kanyang pagiging Kapamilya kung saan nabigyan siya ng maraming makabuluhang projects at nakapagbida sa mga seryeng “Moon of Desire” at “Nag-aapoy na Damdamin.”

Happy din daw siya na naging mainstay siya sa “Banana Sundae” kung saan na-test ang kanyang pagiging komedyante.

Sa panayam sa kanya, ibinahagi rin niya ang hindi niya makakalimutang karanasan sa co-star na si Alex Gonzaga.

Ito raw ay noong magkasama sila sa Pinoy TV sketch comedy show na “LokoMoko” kung saan minaldita raw siya ng aktres.

Hindi raw niya kilala noon ang YouTuber na nilapitan siya at inurot kung original ang suot niyang Oakley glasses noon.

Nagulat lang daw siya sa ginawang pang-ookray ni Alex na hindi raw naman close sa kanya.

Si JC ay malapit nang mapanood sa pelikulang “Huwag Mo ‘kong Iwan”. Kasama rin niya sa cast sina Rhian Ramos at Tom Rodriguez na mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Archie Liao

The post JC, naasar kay Alex! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/jc-naasar-kay-alex/feed/ 0
Lolit, nagbantang magdedemanda! https://remate.ph/lolit-nagbantang-magdedemanda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lolit-nagbantang-magdedemanda https://remate.ph/lolit-nagbantang-magdedemanda/#respond Sat, 23 Nov 2024 07:43:47 +0000 https://remate.ph/?p=611881 Manila, Philippines- Lintik lang ang walang ganti! Wari’y ito ang isinisigaw ni Lolit Solis para sa alaga niyang si Paolo Contis. Inalmahan kasi ng manager ang paggamit ng larawan ni Paolo sa produktong ibinebenta sa Tiktok Hindi kasi kinuha ang permiso ng aktor ng mga taong nasa likod nito. As far as Paolo is concerned, […]

The post Lolit, nagbantang magdedemanda! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines- Lintik lang ang walang ganti!

Wari’y ito ang isinisigaw ni Lolit Solis para sa alaga niyang si Paolo Contis.

Inalmahan kasi ng manager ang paggamit ng larawan ni Paolo sa produktong ibinebenta sa Tiktok

Hindi kasi kinuha ang permiso ng aktor ng mga taong nasa likod nito.

As far as Paolo is concerned, mallit na bagay lang daw ‘yon, short of saying na palampasin na lang.

Pero hindi sa kaso ni Lolit na tahasang sinabing walang respeto kung sinuman ang may gawa niyon.

Hinihiling ni Lolit na huwag tangkilikin ng publiko ang produktong ‘yon whose owner does not deserve as much respect.

Nagbanta pa si Lolit na kung hindi titigil ang may-ari nito sa paggamit ng litrato ni Paolo ay mapipilitan siyang gumawa ng ligal na hakbang.

May punto nga naman ang manager.

Maliwanag kasing kumikita ang may-ari nito at the expense ng isang walang kamalay-malay na celebrity tulad ni Paolo.

Aba, kung mangongomisyon si Lolit sa talent fee ni Paolo for endorsement, malaki-laki rin ‘yon, ha?! Ronnie Carrasco III

The post Lolit, nagbantang magdedemanda! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/lolit-nagbantang-magdedemanda/feed/ 0
Maynila target gawing drug-free https://remate.ph/maynila-target-gawing-drug-free/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maynila-target-gawing-drug-free https://remate.ph/maynila-target-gawing-drug-free/#respond Fri, 22 Nov 2024 04:02:41 +0000 https://remate.ph/?p=611595 LUMAGDA ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ng isang kasunduan sa iba’t ibang sektor upang makamit ang “drug-free city” at makapagbigay tulong sa mga lulong sa droga. Ayon sa alkalde, malaki ang papel ng mga lumagda sa memorandum of agreement (MOA) sa paglaban sa iligal na droga kung saan kabilang […]

The post Maynila target gawing drug-free first appeared on Remate Online.

]]>
LUMAGDA ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ng isang kasunduan sa iba’t ibang sektor upang makamit ang “drug-free city” at makapagbigay tulong sa mga lulong sa droga.

Ayon sa alkalde, malaki ang papel ng mga lumagda sa memorandum of agreement (MOA) sa paglaban sa iligal na droga kung saan kabilang dito ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), National Center for Mental Health, Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, Caritas Manila, La Salle Greenhills, at Manila Anti-Drug Abuse.

Kasabay ng nasabing paglagda ang “Drug Abuse Prevention and Control Week” sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 124 s. 2001. Layon aniya ng partnership sa iba’t ibang stakeholders na paigtingin ang serbisyo ng gobyerno para sa mga persons who use drugs (PWUDs).

Nabatid sa alkalde na ang papel ng Manila Anti-Drug Abuse Office (MADAO), kung saan nagbibigay ang lungsod ng libreng rehabilitasyon para sa mga PWUD na ikinategorya bilang “moderate risk” sa pamamagitan ng community-based drug rehabilitation program. Sinabi niya na ang “severe dependence” sa ilegal na droga ay maaaring makakuha ng paggamot nang walang bayad sa pamamagitan ng nilagdaang MOA.

Kaugnay nito, ang La Salle Greenhills at TESDA ay bahagi ng libreng alternative learning system (ALS) program at Technical-Vocational Training para sa mga Manilenyo na may problema rin sa droga.

Samantala, ang Caritas Manila sa pamamagitan ng kanilang “Isang Paglalakbay o Sanlakbay Program”, ay magbibigay ng faith-based approach na rehabilitasyon para sa mga PWUDs. Habang ang ang National Center for Mental Health naman ay magbibigay ng libreng tulong sa mga may problema sa pag-iisip at nangangailangan ng tulong medikal dahil sa paggamit ng ilegal na droga. Jay Reyes

The post Maynila target gawing drug-free first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/maynila-target-gawing-drug-free/feed/ 0