LOCAL BIZ - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Wed, 04 Oct 2023 03:13:46 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png LOCAL BIZ - Remate Online https://remate.ph 32 32 Galit ni Gov. Homar sa Kamikazee, isiniwalat na! https://remate.ph/galit-ni-gov-homar-sa-kamikazee-isiniwalat-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=galit-ni-gov-homar-sa-kamikazee-isiniwalat-na https://remate.ph/galit-ni-gov-homar-sa-kamikazee-isiniwalat-na/#respond Wed, 04 Oct 2023 05:00:17 +0000 https://remate.ph/?p=508902 Sorsogon, Philippines- Naiulat namin dito sa Remate Online na napilitang palayasin ni Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Homar ang bandang Kamikazee dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng attitude. Supposedly, magtatanghal ang nasabing banda along with Imago and I Belong to the Zoo nitong October 1. Ito’y para sa pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival na idinaos sa bayan […]

The post Galit ni Gov. Homar sa Kamikazee, isiniwalat na! first appeared on Remate Online.

]]>
Sorsogon, Philippines- Naiulat namin dito sa Remate Online na napilitang palayasin ni Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Homar ang bandang Kamikazee dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng attitude.

Supposedly, magtatanghal ang nasabing banda along with Imago and I Belong to the Zoo nitong October 1.

Ito’y para sa pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival na idinaos sa bayan ng Casiguran sa nasabing lalawigan.

Dahil feeling nabastos umano, hindi na pinasampa ni Homar sa entablado ang Kamikazee.

Hindi na rin niya ito pinatuloy sa Residencia del Hamor.

Sa halip ay sinabi ni Hamor na magpaumaga na lang sa airport.

Pero nilinaw ni Hamor na bayad ang pagtatanghal ng banda.

Pero sumumpa siya na kailanman daw ay hindi na ito makakabalik sa Sorsogon.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA, nagsalita na ang punong-abala sa naturang event.

Si Jonathan Valdez ang in charge sa pag-iimbita at pagdadala ròon ng mga performers.

Natuklasan na tumamggi pala ang Kamikazee na magpakuha ng litrato sa bagong tourist attraction doon, ang Thousand Light Roses.

While both Imago and I Belong to the Zoo gamely acceded to Hamor’s request ay tumanggi naman ang Kamikazee.

Hindi rin daw ito bumaba ng van kahit naghihintay na sa venue ang gobernador.

Nagmamakaawang nanikluhod na raw si Jonathan sa banda para pagbigyan ang simpleng hiling ng gobernador.

Kahit sa sariling bulsa na lang daw ni Jonathan manggaling ang ibabayad sa Kamikazee para sa photo op.

Pumayag lang daw ang banda 30 minuto bago sila magtanghal.

Nakapagsalita tuloy si Jonathan na iba raw ang level ng kabastusan ng Kamikazee.

Sinabi pa niyang minsan lang daw humiling si Hamor na kilalang “kind, generous at considerate.”

Samantala, nagbigay naman ng napakaikli pero malabong sagot ang lead vocalist ng banda na si Jay Contreras.

Anito: “I choose love!”

Ano raw? Ronnie Carrasco III

The post Galit ni Gov. Homar sa Kamikazee, isiniwalat na! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/galit-ni-gov-homar-sa-kamikazee-isiniwalat-na/feed/ 0
Heart, cover ng Indonesian mag! https://remate.ph/heart-cover-ng-indonesian-mag/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=heart-cover-ng-indonesian-mag https://remate.ph/heart-cover-ng-indonesian-mag/#respond Wed, 04 Oct 2023 04:50:14 +0000 https://remate.ph/?p=508901 Manila, Philippines- Nitong nakaraang buwan lang, Heart Evangelista graced the cover of Icon, a magazine in Singapore. Ngayong buwan naman ng October, si Heart ang nasa pabalat ng digital Harper’s Bazaar magazine sa Indonesia. While this is yet another achievement for the local showbiz’s fashion icon, maraming netizens ang nanghihinayang why there seems to be […]

The post Heart, cover ng Indonesian mag! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines- Nitong nakaraang buwan lang, Heart Evangelista graced the cover of Icon, a magazine in Singapore.

Ngayong buwan naman ng October, si Heart ang nasa pabalat ng digital Harper’s Bazaar magazine sa Indonesia.

While this is yet another achievement for the local showbiz’s fashion icon, maraming netizens ang nanghihinayang why there seems to be a lack of recognition accorded to Heart dito sa ating bansa.

Ayon nga sa isang netizen, sinisisi nito ang pagkakaroon ng  crab mentality ng ilan sa ating mga kababayan.

But if it’s any consolation, sapat na ang papuring ito para maging masaya’t proud si Heart.

“Heart making a name for herself in the global fashion arena. No one comes close!” post ng netizen in an attempt to cheer up Heart.

Kunsabagay, hindi lahat ng local celebrities enjoy the same privilege as Heart does.

Obyus namang nag-enjoy si Heart while posing for Harper’s, saying: “Fun shoot!”

Anyway, maraming netizens curiously asked Heart kung pagkatapos daw ba niyang rumampa sa Paris Fashion Week sa France ay uuwi  na siya ng bansa.

Posible kasing lubus-lubusin na ni Heart ang pagkawala rito and fly next to the Los Angeles Fashion Week.

Mula October 18 hanggang 22 ‘yon.

Hindi nga lang nagbigay ng affirmative answer si Heart kung se-seguè na siya sa LA from Paris.

Heart, ikaw na ikaw na nga! Ronnie Carrasco III

The post Heart, cover ng Indonesian mag! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/heart-cover-ng-indonesian-mag/feed/ 0
It’s Showtime!, may pansamantala nang kapalit! https://remate.ph/its-showtime-may-pansamantala-nang-kapalit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=its-showtime-may-pansamantala-nang-kapalit https://remate.ph/its-showtime-may-pansamantala-nang-kapalit/#respond Wed, 04 Oct 2023 04:40:16 +0000 https://remate.ph/?p=508896 Manila, Philippines- Magte-take effect na sa October 14 hanggang 27 ang 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa It’s Showtime. Ang naturang desisyon ng ahensya ay may kinalaman sa “cake icing” incident sa Isip Bata segment nito. Pero may ibang programa ang balitang pansamantalang eere habang effective […]

The post It’s Showtime!, may pansamantala nang kapalit! first appeared on Remate Online.

]]>

Manila, Philippines- Magte-take effect na sa October 14 hanggang 27 ang 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa It’s Showtime.

Ang naturang desisyon ng ahensya ay may kinalaman sa “cake icing” incident sa Isip Bata segment nito.

Pero may ibang programa ang balitang pansamantalang eere habang effective ang suspension.

Iba nga lang ang gagamitin nitong pamagat.

At iba rin siyempre ang magtitimon ng show.

The good news is that, walang dapat ikabahala o ikalungkot ang ilang staff and crew ng suspended show dahil magagamit ang kanilang serbisyo.

Earlier, umapela si Senator Bong Revilla para sa kapakanan ng ilang tauhan ng programang walang sasahurin sa duration ng suspension.

Ayon naman sa MTRCB, while their collective heart goes out to the staff and crew ay discretion daw ‘yon ng produksyon.

At least, with a new program coming up albeit with the same production people in it ay na-address ang concern sa kawalan ng mga talent fee o TF ng mga ito.

Nangako rin si Vice Ganda na bibigyan niya ng pinansyal na tulong ang mga nasa produksyon all throughout the 12-day suspension period.

What is heart-breaking though ay ang kulelat na ratings ng Showtime sa freeTV.

A case in point ay ang September 29 episode which fell on a Friday.

Poor third ang Showtime na nakakuha lang ng 2.8%.

Samantalang nangunguna pa rin ang E.A.T. with 4.2% rating.

Pumapangalawa naman ang Eat Bulaga na nakatala ng 3.2%.

Magulat tayo kung ang programang papalit pansamantala sa Showtime for 12 live broadcast days ay makapagtala ng mas mataas na ratings figures.

If it so happens, i-retain kaya ito ng ABS-CBN at tuluyang iligwak ang Showtime?

Eh, paano na kung ganoon ang kontrata ng Showtime sa GTV, posible kaya itong ma-rescind?

Well, the possibilities are endless. Ronnie Carrasco III

The post It’s Showtime!, may pansamantala nang kapalit! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/its-showtime-may-pansamantala-nang-kapalit/feed/ 0
Kris, nilinaw na wala siyang jowa, may pinatatamaan? https://remate.ph/kris-nilinaw-na-wala-siyang-jowa-may-pinatatamaan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kris-nilinaw-na-wala-siyang-jowa-may-pinatatamaan https://remate.ph/kris-nilinaw-na-wala-siyang-jowa-may-pinatatamaan/#respond Tue, 03 Oct 2023 04:50:41 +0000 https://remate.ph/?p=508607 Los Angeles, USA- Mismong si Kris Aquino na ang nagbahagi sa kanyang latest Instagram post na “not in a relationship” ang status niya ngayon. Ang mga kapatid na raw niya mismo ang naghikayat sa kanya na gawin ito for clarification. Hindi naman binanggit ni Kris kung sino ang taong ‘yon pero obyus na ang tinutukoy […]

The post Kris, nilinaw na wala siyang jowa, may pinatatamaan? first appeared on Remate Online.

]]>
Los Angeles, USA- Mismong si Kris Aquino na ang nagbahagi sa kanyang latest Instagram post na “not in a relationship” ang status niya ngayon.

Ang mga kapatid na raw niya mismo ang naghikayat sa kanya na gawin ito for clarification.

Hindi naman binanggit ni Kris kung sino ang taong ‘yon pero obyus na ang tinutukoy niya’y si Batangas Governor Marc Leviste.

Panimulang post ni Kris: “We don’t communicate, and my sons and I feel more peaceful.

“No details as I value my privacy and respect his.”

Paglilinaw niya, nais lang daw niyang i-address ang mga facts.

Kasabay nito’y ibinahagi rin ni Kris ang estado ng kanyang kalusugan.

Hindi man daw niya hawak ang mga resulta ng kanyang blood panel, “pero gumanda ang inflammatory numbers.”

Hindi rin daw niya alam kung bakit pero tila sinagot ang kanyang mga panalangin “to save my life for my sons.”

Nagpapasalamat din siya sa compassion o pang-unawa “for keeping me in your prayers and thoughts.”

Ang maganda rito, bibilang daw ng 18 hanggang 20 buwan before she reaches remission.

Pagkatapos daw nito’y maghihintay pa siya ng anim na buwan bago bigyan ng clearance ng kanyang mga doktor para makauwi na ng Pilipinas.

Miss na raw niya kasi ang kanyang mga kapatid, mga pinsan, mga kaibigan at maging ang kanyang mga doktor.

After all, it’s been 16 months na raw siyang nananatili sa kanyang nirerentahang bahay.

Kuwento ni Kris, may swimming pool daw ito that provides her a good view.

Bukod dito’y sampung minuto lang daw ang layo nito sa isa sa kanyang mga doktor.

Matatandaang nitong July ay inamin mismo ni Kris kung gaano kahirap ang long distance relationship.

Ito’y lalo pa sa kaso niya na may iniindang karamdaman at sa kaso ng taong higit na kailangan ng taumbayan dahil sa sinumpaang tungkulin nito.

All throughout her post, consistent si Kris sa ‘di pagbanggit kung sino ang tao she was referring to.

In the meantime, it’s Kris’ elder sisters Ballsy and Viel who she said urged her to clarify her relationship status. Ronnie Carrasco III

The post Kris, nilinaw na wala siyang jowa, may pinatatamaan? first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kris-nilinaw-na-wala-siyang-jowa-may-pinatatamaan/feed/ 0
Bagets, pinagtatawanan ang tsismis na ikinasal na ang ka-live in na aktor! https://remate.ph/bagets-pinagtatawanan-ang-tsismis-na-ikinasal-na-ang-ka-live-in-na-aktor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagets-pinagtatawanan-ang-tsismis-na-ikinasal-na-ang-ka-live-in-na-aktor https://remate.ph/bagets-pinagtatawanan-ang-tsismis-na-ikinasal-na-ang-ka-live-in-na-aktor/#respond Tue, 03 Oct 2023 04:40:37 +0000 https://remate.ph/?p=508606 Manila, Philippines – Pag nababasa raw sa social media ng gwaping at dakotang bagets na aktor ang mga bali-balitang ikinasal na raw ang kanyang kaibigang mature actor ay palihim raw itong natatawa. Pa’no naman, alam niya ang totoo at ang hindi. Hahahahahahaha! Unbeknown to most, the two of them are living in already and he […]

The post Bagets, pinagtatawanan ang tsismis na ikinasal na ang ka-live in na aktor! first appeared on Remate Online.

]]>

Manila, Philippines – Pag nababasa raw sa social media ng gwaping at dakotang bagets na aktor ang mga bali-balitang ikinasal na raw ang kanyang kaibigang mature actor ay palihim raw itong natatawa.

Pa’no naman, alam niya ang totoo at ang hindi. Hahahahahahaha!

Unbeknown to most, the two of them are living in already and he now lives in the mansion of this mature actor in the North.

Needless to say, alam na alam ng tall, fair and erotic looking young actor ang pagkatao ng mature ng aktor.

He knows that he’s a closet queen and that he is not capable of marrying a woman, much more living with her in one roof. Hahahahahahaha!

Bigla ko tuloy naalala in the past ang aktres na ito na patay na patay dati sa morenong aktor kaya mega thrilled siya nang magkasama sila sa abroad para gumawa ng pelikula.

But much to her dismay, hindi siya pinapansin ng aktor at nagkakausap lang sila sa harap ng camera.

No wonder, pagbalik nila sa Pinas ay biglang nag-evaporate ang pagkagusto ng aktres sa aktor. Bwahahahahaha!

Ombre pala ang priority nito at walang pakialam sa mga chicks lalo na’t nagsu-shoot sila sa abroad.

Yun nah! Pete Ampoloquio Jr.

The post Bagets, pinagtatawanan ang tsismis na ikinasal na ang ka-live in na aktor! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/bagets-pinagtatawanan-ang-tsismis-na-ikinasal-na-ang-ka-live-in-na-aktor/feed/ 0
Kamikazee umatittude pinalayas ng Sorsogon gov! https://remate.ph/kamikazee-umatittude-pinalayas-ng-sorsogon-gov/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kamikazee-umatittude-pinalayas-ng-sorsogon-gov https://remate.ph/kamikazee-umatittude-pinalayas-ng-sorsogon-gov/#respond Tue, 03 Oct 2023 04:30:49 +0000 https://remate.ph/?p=508600 Sorsogon, Philippines- Walang choice si Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Hamor kundi palayasin sa kanyang teritoryo ang bandang Kamikazee. Supposedly, magtatanghal sana sa Casiguran ng naturang lalawigan ang nasabing banda along with Imago and I Belong to the Zoo nitong October 1, Linggo. Ito’y bilang pagdiriwang ng Sanggayahan Festival doon. Wala pang malinaw na dahilan kung […]

The post Kamikazee umatittude pinalayas ng Sorsogon gov! first appeared on Remate Online.

]]>

Sorsogon, Philippines- Walang choice si Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Hamor kundi palayasin sa kanyang teritoryo ang bandang Kamikazee.

Supposedly, magtatanghal sana sa Casiguran ng naturang lalawigan ang nasabing banda along with Imago and I Belong to the Zoo nitong October 1, Linggo.

Ito’y bilang pagdiriwang ng Sanggayahan Festival doon.

Wala pang malinaw na dahilan kung bakit nagpasyang pauwiin ni Hamor ang Kamikazee maliban sa aniya’y pagkakaroon nito ng “attitude.”

Hindi raw makapapayag ang butihing gobernador na bastusin ng banda ang mga Sorsoganon.

Humingi si Hamor ng paumanhin sa mga taong umasang mapapanood ang banda whose vocalist is Jay Contreras.

Dagdag pa niya, hindi na rin daw niya pinatuloy ang Kamikazee sa Residencia del Hamor kundi pinadiretso niya ito sa paliparan.

Mangyaring doon na lang maghintay hanggang mag-umaga na magsasakay sa kanila pabalik ng Maynila.

Obyus na disappointed ang gobernador na pilit iniaangat ang dignidad ng kanyang mga kababayan only to be disrespected.

“Maniwala kayo sa akin, hindi na ‘yan makakabalik sa Sorsogon!” panunumpa ni Hamor.

Samantala, mas gustong anyayahan ni Hamor ang mga Sorsoganon na panoorin ang pagtatanghal doon ni Vice Ganda kasama sina MC at Lassy.

Magaganap ito sa October 8.

Bukas ang Remate Online para sa panig ng mga bumubuo ng bandang Kamikazee.

Pero nakakaintriga ang sinasabi ni Hamor na “attitude” nito, na ikinadismaya niya.

Sinang-ayunan naman ng kanyang mga kababayan ang nilalaman ng talumpati niya ukol sa isyu, bagay which is making social media rounds. Ronnie Carrasco III

The post Kamikazee umatittude pinalayas ng Sorsogon gov! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kamikazee-umatittude-pinalayas-ng-sorsogon-gov/feed/ 0
MTRCB: ‘No work, no pay’ issue labas sa suspensyon ng It’s Showtime! https://remate.ph/mtrcb-no-work-no-pay-issue-labas-sa-suspensyon-ng-its-showtime/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mtrcb-no-work-no-pay-issue-labas-sa-suspensyon-ng-its-showtime https://remate.ph/mtrcb-no-work-no-pay-issue-labas-sa-suspensyon-ng-its-showtime/#respond Sun, 01 Oct 2023 08:07:42 +0000 https://remate.ph/?p=508241 MANILA, Philippines – “Separate and distinct matters” Ito ang nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ngayong Linggo ukol sa pagsuspinde sa noontime show na “It’s Showtime” at sa mga isyu sa ‘no work, no pay’ na maaaring kaharapin ng mga manggagawa nito bilang resulta ng utos. “The suspension, in fact, underscores […]

The post MTRCB: ‘No work, no pay’ issue labas sa suspensyon ng It’s Showtime! first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – “Separate and distinct matters”

Ito ang nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ngayong Linggo ukol sa pagsuspinde sa noontime show na “It’s Showtime” at sa mga isyu sa ‘no work, no pay’ na maaaring kaharapin ng mga manggagawa nito bilang resulta ng utos.

“The suspension, in fact, underscores the broader and more pressing matter of contractualization within the entertainment industry. The issue deserves sincere attention from the producer,” anang MTRCB sa isang pahayag.

“I think lessons have been learned. Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. Kaya sana huwag nating parusahan ang mga nagsusumikap araw-araw para lang mabuhay,” ayon naman kay Sen. Bong Revilla.

Noong Biyernes kasi, tinawagang-pansin ng senador ang nasabing isyu, at ipinunto na ang kapakanan ng mga empleyado ng show ay dapat isaalang-alang, lalo na’t wala silang kinalaman sa insidente na nag-udyok sa pagsuspinde.

Ipinunto ng MTRCB na responsibilidad ng producer o management ng isang palabas na tiyakin ang regularisasyon ng kanilang mga empleyado.

“The practice by the producer, or management, to not regularize their employees, even when a show has been airing live for six days a week, for over a decade, highlights a much bigger problem than the show’s 12-airing-day suspension,” anang board.

Idinagdag nito na ang kawalan ng kakayahan ng management na magbigay ng regular na trabaho ay hindi dapat maging hadlang sa pagtupad ng mandato ng MTRCB. RNT

 

The post MTRCB: ‘No work, no pay’ issue labas sa suspensyon ng It’s Showtime! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mtrcb-no-work-no-pay-issue-labas-sa-suspensyon-ng-its-showtime/feed/ 0
KC, ‘di pa seryoso sa bagong jowa! https://remate.ph/kc-di-pa-seryoso-sa-bagong-jowa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kc-di-pa-seryoso-sa-bagong-jowa https://remate.ph/kc-di-pa-seryoso-sa-bagong-jowa/#respond Sun, 01 Oct 2023 04:54:35 +0000 https://remate.ph/?p=508192 Sorry to disappoint her fans who wish she’d settle down soon, but KC Concepcion doesn’t see herself getting married soon. Ito rin kasi ang kapwa minimithi ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. After all, KC is 38 years old. Tutal din naman ay obyus na nakahanap si KC ng lalaki […]

The post KC, ‘di pa seryoso sa bagong jowa! first appeared on Remate Online.

]]>

Sorry to disappoint her fans who wish she’d settle down soon, but KC Concepcion doesn’t see herself getting married soon.

Ito rin kasi ang kapwa minimithi ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

After all, KC is 38 years old.

Tutal din naman ay obyus na nakahanap si KC ng lalaki whom she can spend the rest of her life with.

Ito ang 41 anyos na Filipino-Swiss guy named Steve Michael Wuetrich.

Kung matatandaan, unang ipinasilip ni KC ang ‘ika nga’y snippet ng kanyang pribadong buhay on her Instagram page last Valentine’s Day.

Nasundan pa ito ng post a month after, kung saan may name reveal na.

Ang latest ay nitong August 12 kung saan magkasama sila sa France.

May palitan pa nga sila ng convo.

Ani KC kay Mike: “Nope, you’re not stealing my heart.”

Sinagot naman siya nito ng: “But you stole mine though!”

Kaya tuloy masasabing open na si KC sa pagbuyangyang ng kanyang lovelife.

Pero mabilis niyang sinalag ang public impression: “Open na ba? ‘Soft opening’ lang ‘yon…charot!”

Truth is, nasa getting to know each other pa lang daw sila ni Mike.

The reason for not sharing her personal what-nots is because hindi pa raw siya sigurado if she and the Fil-Swiss guy will end up together.

Kakakilala pa lang daw ni KC sa taong ‘yon, and it will take time to get to fully know him.

Pero saan ka, mismong ang pahayag tungkol sa kanyang perspective sa buhay ang siyang nagkakanulo sa kanya.

Thanks to the global pandemic we all went through.

Dahil mag-isa lang daw siya nang mga panahong ‘yon, napagtanto raw ni KC ang kahalagahan ng pagkakaroon ng katuwang sa buhay.

Now, isn’t that admission enough that she’s ready to fall in love again?

Soft opening ba ‘ika ni KC? So kelan ang grand opening? Ronnie Carrasco III

The post KC, ‘di pa seryoso sa bagong jowa! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kc-di-pa-seryoso-sa-bagong-jowa/feed/ 0
Erik, muntik nang upakan ang resto manager, na-prank! https://remate.ph/erik-muntik-nang-upakan-ang-resto-manager-na-prank/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=erik-muntik-nang-upakan-ang-resto-manager-na-prank https://remate.ph/erik-muntik-nang-upakan-ang-resto-manager-na-prank/#respond Sun, 01 Oct 2023 04:44:39 +0000 https://remate.ph/?p=508187 Manila, Philippines – Kahit kabado’y pinangatawanan ni Angeline Quinto ang kanyang prank. Sa kanyang latest vlog, pinamagatan niya itong Intense Prank with Erik Santos. And true to its title, hindi lang tense ang mapapanood sa vlog kundi higit pa to the point na muntik nang magkapisikalan. Ang eksena, while dining at a resto somewhere in […]

The post Erik, muntik nang upakan ang resto manager, na-prank! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Kahit kabado’y pinangatawanan ni Angeline Quinto ang kanyang prank.

Sa kanyang latest vlog, pinamagatan niya itong Intense Prank with Erik Santos.

And true to its title, hindi lang tense ang mapapanood sa vlog kundi higit pa to the point na muntik nang magkapisikalan.

Ang eksena, while dining at a resto somewhere in Quezon City ay naglalaro sina Angeline at Erik ng Date or Pass.

Dahil medyo maingay, maya’t maya ang daan ng resto manager para sitahin sila.

What Erik didn’t know, kinuntsaba na ni Angeline ang manager.

Kunwari’y sinita pa nito si Angeline for bringing in food na bawal.

‘Di nakatis, napikon na si Erik who confronted the manager: “It’s okay but say it in a nice way!”

Erik turned to Angeline: “Ge, kilala mo ‘ko. Hindi ako madaling magalit pero hello, binabastos ka na sa harap ko!”

Doon na nakaramdam ng tensyon si Angge.

Hanggang umabot sa puntong pinaaalis na sila sa resto.

Doon na umalma nang bonggang-bongga si Erik who told the manager: “You don’t have to raise your voice at us!”

Para na lang umiwas sa gulo, niyaya nang umalis ni Erik si Angeline.

Du’n na inamin ni Angge na prank lang ‘yon sa takot na baka upakan ni Erik ang resto manager.

Kasabay ng pag-amin na it was just a prank ay ang papuri ni Angeline kay Erik bilang isang tunay na kaibigan who’s always ready to stand up for her.

Matatandaang na-link sina Angeline at Erik sa isa’t isa.

Hindi man sila ang nagkatuluyan sa bandang huli, they’ve remained the best of friends. Ronnie Carrasco IIi

The post Erik, muntik nang upakan ang resto manager, na-prank! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/erik-muntik-nang-upakan-ang-resto-manager-na-prank/feed/ 0