SHOWBIZ - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Tue, 20 Oct 2026 10:54:32 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.3 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png SHOWBIZ - Remate Online https://remate.ph 32 32 Sa tanong ng pagli-live in nina Daniel at Kaila: Janice, ‘di kokontra! https://remate.ph/sa-tanong-ng-pagli-live-in-nina-daniel-at-kaila-janice-di-kokontra/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sa-tanong-ng-pagli-live-in-nina-daniel-at-kaila-janice-di-kokontra https://remate.ph/sa-tanong-ng-pagli-live-in-nina-daniel-at-kaila-janice-di-kokontra/#respond Tue, 20 Oct 2026 10:54:32 +0000 https://remate.ph/?p=760627 Manila, Philippines – Hindi ikinaila ni Janice De Belen na hindi siya perpektong anak, asawa at magulang. Dumaan din siya noon sa mga challengees na nakagawa sng mga maling desisyon sa buhay. Katunayan, hindi naging madali para sa kanya ang itaguyod ang kanyang mga anak kina Aga Muhlach at John Estrada. Pagdating din sa pagpapalaki […]

The post Sa tanong ng pagli-live in nina Daniel at Kaila: Janice, ‘di kokontra! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Hindi ikinaila ni Janice De Belen na hindi siya perpektong anak, asawa at magulang.

Dumaan din siya noon sa mga challengees na nakagawa sng mga maling desisyon sa buhay.

Katunayan, hindi naging madali para sa kanya ang itaguyod ang kanyang mga anak kina Aga Muhlach at John Estrada.

Pagdating din sa pagpapalaki ng mga bata, marami rin siyang natutunan bilang magulang.

Ani Janice, masaya siya dahil kahit paano ay malalaki at independent na ang kanyang mga anak.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, nang tumuntong daw si Kaila Estrada sa edad na 30 ay hinayaan na niya itong bumukod.

Pumayag daw siya sa kundisyong bet nitong maging independent at hindi para makipag-live in.

Nang matanong naman ang beteranang aktres tungkol sa current estado ng relasyon ni Kaila sa boyfie nitong si Daniel Padilla, aniya, malaki raw ang tiwala niya sa kanyang anak.

Hindi rin daw niya ugaling makialam sa lovelife ng anak dahil naniniwala siyang intelihente si Kaila at makakapagdesisyon na sa kanyang sarili.

Dagdag pa niya, si Kaila raw ang tipong hindi tatagal sa isang relasyon kapag hindi na masaya.

Keber din daw siya kung mag-live in ang anak niya at si DJ.

Nang maurirat naman kung feeling niya ay endgame na ni Kaila si Daniel, sey niya, ayaw daw niyang magsalita nang tapos lalo pa’t maraming nangyayari sa showbiz na minsan ay hindi inaasahan.

Dumating din daw siya sa puntong hindi na siya naba-bother sa sasabihin ng mga tao.

After all, buhay daw at kaligayahan ng kanyang supling ang nakasasalalay kaya susuportahan na lang niya kung anuman ang ikasisiya nito.

Sa kaso rin ng kanyang mga anak, hindi rin daw siya magtatampo kung sakaling hindi siya imbitahan sa kasal ng mga ito na para sa kanya ay malabo namang mangyari.

Isa lang daw ang sigurado niya sa kanyang mga anak na babae, kapag daw nag-asawa na ang mga ito, nagkaroon ng pamilya o nagle-labor sa panganganak, hindi raw ang kanilang mga mister ang tatawagin ng mga ito kundi siya.

Sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay, tanggap na raw niya na balang araw ay patungo na siya sa retirement at darating ang panahon ay ‘lola roles’ na ang matotoka sa kanya.

Kuntento na rin daw siya sa pagiging single at hindi na siya naghahanap ng magiging katuwang sa buhay.

Hindi naman sa hindi na siya nag-e-entertain ng mga manliligaw pero para sa kanya ay mas bet na lang niya ang simpleng pamumuhay na walang stress.

May panahon pa raw naman siya para sa sarili lalo na’t nakaka-bonding pa rin niya ang mga piling  kaibigan kahit namumuhay na siyang mag-isa. Archie Liao

The post Sa tanong ng pagli-live in nina Daniel at Kaila: Janice, ‘di kokontra! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sa-tanong-ng-pagli-live-in-nina-daniel-at-kaila-janice-di-kokontra/feed/ 0
Valerie Tan, may request kay Kris Aquino! https://remate.ph/valerie-tan-may-request-kay-kris-aquino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=valerie-tan-may-request-kay-kris-aquino https://remate.ph/valerie-tan-may-request-kay-kris-aquino/#respond Tue, 20 Oct 2026 10:53:59 +0000 https://remate.ph/?p=760626 Manila, Philippines – Inamin ng multi-awarded host na si Valerie Tan sa katatapos na media launch ng “I HEART PH” na tagahanga siya ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Sa panayam, tinanong si Valerie kung sinong celebrity ang gusto niyang isama sa Hong Kong adventure trip at kung bakit. Ani Valerie, “Siguro […]

The post Valerie Tan, may request kay Kris Aquino! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Inamin ng multi-awarded host na si Valerie Tan sa katatapos na media launch ng “I HEART PH” na tagahanga siya ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa panayam, tinanong si Valerie kung sinong celebrity ang gusto niyang isama sa Hong Kong adventure trip at kung bakit.

Ani Valerie, “Siguro if I want to bring someone with me to Hong Kong, si Queen of Talk Kris Aquino.

“I’m such a huge fan of her. She’s so smart. She’s so witty. Feeling ko pag magkasama kami magiging magka-vibes kami. So I’ll bring her, I’ll tour her. And she’ll give me some trivia. So I would love to meet her.”

Well, in fairness, hindi lang beauty ang taglay ng mother dearest nina Joshua at Bimby Aquino na si Kris kundi brains din.

Anyway, magbabalik ang award-winning lifestyle at travel show na “I HEART PH” para sa panibagong season ng kasiyahan at pagtuklas ng mga bagong lugar, katuwang ang Hong Kong Tourism Board (HKTB).

Tampok sa programa ang Hong Kong bilang isang masiglang lungsod kung saan nagsasama ang mayamang kultura, pagkamalikhain at makabagong pamumuhay para sa isang hindi malilimutang karanasan.

Dadalhin ng “I HEART PH” ang mga manonood sa magagandang tanawin at natatanging pasyalan sa Hong Kong na tiyak na magbibigay-inspirasyon sa kanila na personal na tuklasin ang lungsod.

Ipinahayag ni Ms. Chian Jia Liew, Regional Director for Southeast Asia ng Hong Kong Tourism Board, ang kanyang kasiyahan sa muling pagbabalik ng I HEART PH sa tinaguriang Asia’s World City.

“Ikinagagalak naming muling makipagtulungan sa I HEART PH upang maipakita ang maraming karanasang matatagpuan lamang sa Hong Kong,” pahayag ni Ms. Liew.

Ayon pa sa kanya, tampok sa Hong Kong ang kakaibang pagsasanib ng kultura ng silangan at kanluran, tradisyon at inobasyon, pati na ang masiglang buhay sa lungsod at kahanga-hangang kalikasan.

Sa pamamagitan ng partnership, umaasa ang HKTB na mas mahihikayat ang mga Pilipinong manlalakbay na tuklasin ang mga bagong karanasan at mga natatagong hiyas ng Hong Kong.

Produced ng TV 8 Media Production, magbubukas na sa Season 11 ang “I HEART PH” sa Oktubre 25, Linggo, ganap na 11:30 ng umaga sa GTV. Camille Guarin

The post Valerie Tan, may request kay Kris Aquino! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/valerie-tan-may-request-kay-kris-aquino/feed/ 0
Pokwang, kinol out si Ipe! https://remate.ph/pokwang-kinol-out-si-ipe/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pokwang-kinol-out-si-ipe https://remate.ph/pokwang-kinol-out-si-ipe/#respond Tue, 20 Oct 2026 09:09:22 +0000 https://remate.ph/?p=760541 Manila, Philippines – Hindi na din nakapagpigil ang damdaming magulang ni Pokwang–nangalampag na din siya ng kapwa celebrity parent. Pero hindi ‘yon ni Lee O’Brian na ama ng kanyang anak na si Malia–kundi si Phillip Salvador, ama ni Josh Aquino. Sa kanyang Threads account, nagtawid si Pokwang ng mensahe para kay lpe. Post ng komedyana” […]

The post Pokwang, kinol out si Ipe! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Hindi na din nakapagpigil ang damdaming magulang ni Pokwang–nangalampag na din siya ng kapwa celebrity parent.

Pero hindi ‘yon ni Lee O’Brian na ama ng kanyang anak na si Malia–kundi si Phillip Salvador, ama ni Josh Aquino.

Sa kanyang Threads account, nagtawid si Pokwang ng mensahe para kay lpe.

Post ng komedyana” “Dear [Mr. Phillip] Salvador, galawin mo ang baso para kay Josh!!!”

Mabait na bata daw kasi si Josh who didn’t deserve what was done to him on the podcast show.

Not only Josh ang hindi deserve na gawing katatawanan doon kundi ang iba pang may mga kapansanan: “Gentle giant ang tawag ko sa kanya (Josh), napakabait na bata. Galaw-galaw naman diyan sir.”

On her Instgram stories, ini-repost ni Pokwang ang kanyang mensahe kay Ipe.

Tulad ng inaasahan, maraming netizens ang nag-react.

Anila, mukhang nakalimutan ng aktor noon pa man na may anak siya.

Ang magulang daw bang may amnesia ay may kakayahan bang gumalaw ng baso?

“Hindi naman kasi Duterte si Josh, Aquino siya…kaya dedma lang siya!”

“Buti natalong senador noon, ganyan ba ang klase ng iboboto n’yo..magulang na ‘magulang’?!”

Aray ko! Ronnie Carrasco III

The post Pokwang, kinol out si Ipe! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pokwang-kinol-out-si-ipe/feed/ 0
Annabelle, biktima ng ‘death hoax’! https://remate.ph/annabelle-biktima-ng-death-hoax/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=annabelle-biktima-ng-death-hoax https://remate.ph/annabelle-biktima-ng-death-hoax/#respond Tue, 20 Oct 2026 08:58:14 +0000 https://remate.ph/?p=760540 Manila, Philippines – Ang celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama ang latest victim ng “death hoax.” Kumakalat online ang ulat ng Blind Item University tungkol sa pagpanaw ni Annabelle. Pero don’t you dare believe the story. Obyus na fake news ito dahil walang petsa kahit man lang date of birth ng Gutierrez […]

The post Annabelle, biktima ng ‘death hoax’! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Ang celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama ang latest victim ng “death hoax.”

Kumakalat online ang ulat ng Blind Item University tungkol sa pagpanaw ni Annabelle.

Pero don’t you dare believe the story.

Obyus na fake news ito dahil walang petsa kahit man lang date of birth ng Gutierrez matriarch–only her birthyear na 1953.

Doing the math, 73 anyos na si Annabelle.

Lalo pang in question ang news item dahil walang binanggit na “cause of death.”

The manner it was presented ay obyus na peke–dahil pinagtagpi-tagpi lang ang mga images ni Annabelle.

Maging ang mga spliced videos ng asawa nitong si Eddie Gutierrez at anak na si Ruffa ay halatang dinoktor.

Dahil halatang fake news, huwag agad magpaloko–sa halip ay maging mapanuri, mag-check o magtanung-tanong.

Usung-uso sa showbiz ang death hoax–na wala yatang hindi nakakaligtas dito.

Ang masamang epekto nga lang nito’y sa mga kaanak ng “pinatay” na personalidad–hindi man lang ba ito naisip ng mga fake news purveyors para lang kumita?

Samantala, at presstime ay wala pang reaksyon ang sinumang miyembro ng Gutierrez family.

Inaasahang sasagutin ito ng mgaanak ni Annabelle sa social media–or better yet ni Raymond Gutierrez.

Samantala, inulat ng Showbiz Now Na na nagpunta umano si Annabelle sa Singapore para sumailalim sa PET scan.

Ang naturang test ay para malaman kung may cancer ang sumasailalim nito–ayon mismo sa SNN host na si Cristy Fermin. Ronnie Carrasco III

The post Annabelle, biktima ng ‘death hoax’! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/annabelle-biktima-ng-death-hoax/feed/ 0
Cristy kay Claudine: “See you in court!” https://remate.ph/cristy-kay-claudine-see-you-in-court/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cristy-kay-claudine-see-you-in-court https://remate.ph/cristy-kay-claudine-see-you-in-court/#respond Tue, 20 Oct 2026 07:19:42 +0000 https://remate.ph/?p=760518 Manila, Philippines – Habang sinusulat ito’y malamang na nai-file na ni Claudine Barretto sa NBI ang kanyang cyberlibel case laban kay Cristy Fermin. Bunsod ito ng mga unano’y mapanirang pahayag ni Cristy at co-host nitong si Romel Tsika sa kanilang online show na Showbiz Now Na. Naiparating ng aktres ang kanyang plano sa show na […]

The post Cristy kay Claudine: “See you in court!” first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Habang sinusulat ito’y malamang na nai-file na ni Claudine Barretto sa NBI ang kanyang cyberlibel case laban kay Cristy Fermin.

Bunsod ito ng mga unano’y mapanirang pahayag ni Cristy at co-host nitong si Romel Tsika sa kanilang online show na Showbiz Now Na.

Naiparating ng aktres ang kanyang plano sa show na Kalurks ng GTV.

Partikular na inalmahan ni Claudine ang mga sinabi ni Cristy na nagparetoke umano siya,

nagpaospital siya dahil dito, meron siyang bipolar disorder at binubuhay siya ng kanyang kapatid na si Gretchen.

llang beses na daw nakiusap si Claudine kay Cristy na tigilan siya, but to no avail.

Nagpahayag si Claudine na hindi daw niya uurungan si Cristy kahit makiusap pa ito.

Ipinakita din ng Kalurks ang final cease and desist order mula sa legal counsel ni Claudine, advising Cristy and her co-host “to cease and desist from harassing their client, and making untruthful, scandalous and damaging remarks about her.”

Kinuwestyon naman ni Cristy ang demanda ng aktres: “So anong dahilan naman daw? Subukan niya! Lahat na lang idedemanda niya!

Dami niyang ginagawang kalokohan na puwedeng lumabas pag ginawa niya ‘yan.

“Okay, see her in court na lang. ‘Kaloka siya!” Ronnie Carrasco III

The post Cristy kay Claudine: “See you in court!” first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/cristy-kay-claudine-see-you-in-court/feed/ 0
Tito P, nasabihan ng ‘gagah’! https://remate.ph/tito-p-nasabihan-ng-gagah/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tito-p-nasabihan-ng-gagah https://remate.ph/tito-p-nasabihan-ng-gagah/#respond Tue, 20 Oct 2026 07:08:34 +0000 https://remate.ph/?p=760517 Manila, Philippines – Gagah with an “h.” Ito ang ipinatikim ni Ogie Diaz kay Tito P, ang isa sa limang host ng Machong Chismisan podcast na nangutya kay Josh Aquino. In short, na-“gagah” tuloy nang ‘di oras ang ngayo’y pinananagot na ng NBI dahil sa naging pahayag nito. Ani Ogie sa kanyang Facebook post: “Gagah […]

The post Tito P, nasabihan ng ‘gagah’! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Gagah with an “h.” Ito ang ipinatikim ni Ogie Diaz kay Tito P, ang isa sa limang host ng Machong Chismisan podcast na nangutya kay Josh Aquino.

In short, na-“gagah” tuloy nang ‘di oras ang ngayo’y pinananagot na ng NBI dahil sa naging pahayag nito.

Ani Ogie sa kanyang Facebook post: “Gagah ka kasi. Saka mo lang naalala na may ADHD ka pala nu’ng nag-backlash sa iyo ‘yung kagagahan mo. Eh, ‘di lalo ka tuloy na-bash!”

Patuloy ng talent manager cum vlogger: “Ganoon talaga ang buhay. Pag gago ka, ‘di ka patatahimikin ng mga netizen.

“Nakakalokah, pati mga anak ng mga nag-podcast, ginalugad ng mga netizen!”

Pakiusap naman ni Ogie ay huwag na sanang idamay ang mga bata sa isyu–at sa halip ay magalit na lang sa host ng podcast: “”Yun na lang mga bida-bida sa podcast!”

Oo nga naman, ang atraso ng magulang ay hindi ang mga anak nito ang dapat magdusa.

Si Tito P ang may kasalanan, puwes, let him suffer the consequences of his actions!

Dasurv! Ronnie Carrasco III

The post Tito P, nasabihan ng ‘gagah’! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/tito-p-nasabihan-ng-gagah/feed/ 0
Mga nag-tie sa 28th Gawad Pasado, alamin! https://remate.ph/mga-nag-tie-sa-28th-gawad-pasado-alamin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-nag-tie-sa-28th-gawad-pasado-alamin https://remate.ph/mga-nag-tie-sa-28th-gawad-pasado-alamin/#respond Mon, 19 Oct 2026 11:43:19 +0000 https://remate.ph/?p=760329 Manila, Philippines – Nitong nakaraan ay inanunsyo ng 28th Gawaad Pasado ang mga top winners, pero sa October 22 pa gaganapin ang parangal sa San Beda University sa Maynila. Tulad ng katatapos lang na 49th Gawad Urian, may mga nag-tie din sa mga major acting awards sa Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro. Tabla sa Best […]

The post Mga nag-tie sa 28th Gawad Pasado, alamin! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Nitong nakaraan ay inanunsyo ng 28th Gawaad Pasado ang mga top winners, pero sa October 22 pa gaganapin ang parangal sa San Beda University sa Maynila.

Tulad ng katatapos lang na 49th Gawad Urian, may mga nag-tie din sa mga major acting awards sa Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro.

Tabla sa Best Actress sina Charo Santos-Concio para sa Only We Know at Maris Racal para sa Sunshine.

Nagwagi na si Maris sa Urian who tied with Odette Khan.

Tie din sa Best Actor sina Joshua Garcia para sa Meet, Greet & Bye at Jericho Rosales para sa Quezon.

Jericho tied with Carlo Aquino in Urian.

Si Jennica Garcia–who won Best Supporting Actress in Urian–ang nanalo din sa parehong kategorya sa Pasado.

Si Mon Confiado naman ang Best Supporting Actor para sa Quezon.

Lifetime Achievement Awardees ng Pasado sina Odette Khan at Noel Trinidad.

Nagwaging PinakaPASADOng Dangal ng Kabataan si Will Ashley.

Ang Best Director ay si Jerrold Tarog para sa Quezon.

Triple tie naman sa Best Picture ang Quezon; Meet, Greet & Bye at Sunshine.

Special awardees naman sina Angelu de Leon, Romnick Sarmenta, Ed Lingao, Kaila Estrada, Coco Martin at ang mga bumubuo ng FPJ’s Batang Quiapo bilang pagkilala sa paglilingkod-bayan, edukasyon, pamamahayag at telebisyon. Ronnie Carrasco III

The post Mga nag-tie sa 28th Gawad Pasado, alamin! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mga-nag-tie-sa-28th-gawad-pasado-alamin/feed/ 0
Claudine, sinabihang ‘sinusundo na ni Rico’; Aktres, pumalag! https://remate.ph/claudine-sinabihang-sinusundo-na-ni-rico-aktres-pumalag/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=claudine-sinabihang-sinusundo-na-ni-rico-aktres-pumalag https://remate.ph/claudine-sinabihang-sinusundo-na-ni-rico-aktres-pumalag/#respond Mon, 19 Oct 2026 11:32:12 +0000 https://remate.ph/?p=760328 Manila, Philippines – Claudine Barretto is not in the pink of health these days. Sa kanyang Instagram, nag-post siya ng kanyang selfie suot ang hospital gown. Nagpahiwatig si Claudine ukol sa kanyang kundisyon via the song Fever by Dua Lipa. Ginamit niya itong background music sa kanyang post. Her IG caption reads: “Back here again.” […]

The post Claudine, sinabihang ‘sinusundo na ni Rico’; Aktres, pumalag! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Claudine Barretto is not in the pink of health these days.

Sa kanyang Instagram, nag-post siya ng kanyang selfie suot ang hospital gown.

Nagpahiwatig si Claudine ukol sa kanyang kundisyon via the song Fever by Dua Lipa.

Ginamit niya itong background music sa kanyang post.

Her IG caption reads: “Back here again.”

llan sa mga comments ay: “Pagaling ka po, Ate Clau.”

“Ipagpe-pray po kita.”

“Get well soon po, Mommy Clau. I love you and I miss you so much.

“Magpalakas ka po, always take care of yourself.”

Despite her condition, hinangaan pa ng mga netizens ang ganda ni Claudine who looks 20: “Walang kupas!”

“Sana refrain from posting this kind of update. Your haters and bashers would definitely celebrate.”

And true enough, may nag-comment na netizen dragging Rico Yan’s name: “Baka sinusundo ka na ni Rico!”

Akala n’yo palalampasin ‘yon ni Claudine?

Hindi, no!

Buwelta ng aktres: “Mauna ka!”

Eh, ‘di nakita mong hinahanap mo! Ronnie Carrasco III

The post Claudine, sinabihang ‘sinusundo na ni Rico’; Aktres, pumalag! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/claudine-sinabihang-sinusundo-na-ni-rico-aktres-pumalag/feed/ 0
Hiwalayan issue nina Heart at Chiz, pinagdududahan! https://remate.ph/hiwalayan-issue-nina-heart-at-chiz-pinagdududahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hiwalayan-issue-nina-heart-at-chiz-pinagdududahan https://remate.ph/hiwalayan-issue-nina-heart-at-chiz-pinagdududahan/#respond Mon, 19 Oct 2026 06:57:19 +0000 https://remate.ph/?p=760256 Manila, Philippines – Nanganak ng mga espekulasyon na diumano’y may pinagdadaanan ang relasyon nina Heart Evangelista at ng asawa niyang si Senador Chiz Escudero dahil sa cryptic post ng una kamakailan. Sa isang Instagram reel, may emote kasi ang fashionistang aktres tungkol sa healing, moving on at finding inner peace. Sa mensahe kasi sa video […]

The post Hiwalayan issue nina Heart at Chiz, pinagdududahan! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Nanganak ng mga espekulasyon na diumano’y may pinagdadaanan ang relasyon nina Heart Evangelista at ng asawa niyang si Senador Chiz Escudero dahil sa cryptic post ng una kamakailan.

Sa isang Instagram reel, may emote kasi ang fashionistang aktres tungkol sa healing, moving on at finding inner peace.

Sa mensahe kasi sa video may tinutumbok ito hinggil sa muling pagbuo ng tiwala, pagbitaw sa nakaraan at pagpili ng sariling kaligayahan.

Dahil sa development na ito, nagkaroon agad ng mga haka-haka ang mga katikatera at sawsawera na diumanoý nahaharap sa pagsubok ang pagsasama ang dalawa.

Worse, meron pang nag-opinyon na diumanoý hiwalay na ang mag-asawa.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.

“Hiwalay na sila ni Chiz?”

“Kung totoo ito, nakakalungkot naman.”

“True. Ang dami kaya nilang trials na pinagdaanan.”

“May kinalaman kaya ito sa kaso ni hubby?”

“Baka naman gusto lang nilang maging low-key sa ngayon, lalo pa’t may pending na kaso si dyosawa.”

“Nahhh, low key lang yan kunwari hiwalay pero very much together.”

“Pwedeng promo sa project nila.”

“Baka eme na naman nila yan para di na pag pyestahan or iba yung tinutukoy nya sa nirepost nya.”

“Lie low lang yan sa socmed, pero very much together pa yan.”

“That’s not true. Nag-celebrate pa sila ng birthday ni Chiz together.”

“OMG! may proof na still together parin sila! Hahahaha.”

“Baka naman kunware lang para di na putaktehin si mes hurt.”

“Lumalayo lang sa politics si Heart kaya nga bihira na siyang mag-post ng bonding nila ng mister.”

“Kailangang ma-divert ang atensyon sa movie nila ni Pratty.”

“Need na umingay ng project ng JoHeart.”

“That’s fake news.” Archie Liao

The post Hiwalayan issue nina Heart at Chiz, pinagdududahan! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/hiwalayan-issue-nina-heart-at-chiz-pinagdududahan/feed/ 0