Home ENTERTAINMENT Catriona, pabor sa pagsali ni Joyce sa MUP at 69!

Catriona, pabor sa pagsali ni Joyce sa MUP at 69!

Manila, Philippines – Sang-ayon si Miss Universe 2018 na si Catriona Gray na tinanggal na ang age limit sa mga global beauty pageants.

Ito ang bagong panukala na ipatutupad mula sa taong ito.

Si Catriona ay produkto ng Miss Universe Philippines.

This year, tinanggap ang application ng isang 69 anyos na Pilipina who’ll compete for the much-coveted crown.

Hindi na bagito sa pageant world si Joyce Cubales na mula sa Quezon City.

At age 50 nagsimulang lumaban ang fashion designer na si Joyce sa mga timpalak na karaniwang ‘di hamak na mas mga bata ang tinatanggap na kandidata.

Sa panayam kay Joyce ni Dianne Castillejo, inamin niyang matagal na niyang pangarap na sumali sa mga prestigious local pageant and eventually ay maging kinatawan ng bansa sa international stage.

llang pageant na rin ang sinalihan ni Joyce kung saan tinanghal siyang winner.

Ang pagsali at pagkakatanggap ng MUP kay Joyce ay itinuturing na welcome news ni Catriona.

“Why not?” aniya.

Panahon na raw na hindi nillimitahan ang potensyal ng ibang mga kababaihan.

Mahalaga raw maisaboses nila ang kanilang platform o adbokasiya.

Wala raw sa edad ‘yon.

Ani Joyce, ikinatuwa naman daw ng mga mas batang makakalaban niya ang kanyang pagsali.

Kinaiinggitan pa nga raw ng mga ito kung paanong sa edad na 69 ay napapanatili nito ang kanyang youthful aura.

Flawless din kasi ang kutis ni Joyce who inspires other women na maging tulad din daw niya when they reach her age.

Aware naman si Catriona na tutol ang marami sa pagli-lift ng age limit sa mga pageant.

Nauunawaan naman daw niya na hindi madaling mag-adjust sa nakasanayan nang tradisyon.

Sa interbyu pa ring ‘yon ni Dianne, ibinahagi ni Joyce ang kanyang beauty regimen na naisalin din niya sa libro.

Base sa larawan ni Joyce, kayo na ang humusga kung may “K” siya to win a major title sa darating na coronation night. Ronnie Carrasco III

Previous articlePanghihimasok ng Tsina sa WPS kinondena ng mga obispo
Next articleDOH: Leptospirosis cases sa Davao region tumaas