Home NATIONWIDE CBCP handa na sa pagdeklarang int’l shrine sa Antipolo Cathedral

CBCP handa na sa pagdeklarang int’l shrine sa Antipolo Cathedral

(c) Princess Irry Prejula Brioso

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Miyerkules, Enero 24, na mahigit 80 Obispo ang inaasahang makakasaksi aa deklarasyon ng Antipolo Cathedral bilang international shrine.

Magtitipon-tipon ang mga Katolikong Obispo sa Antipolo sa Biyernes, Enero 26 upang dumalo ng liturgy ala 10 ng umaga na pangungunahan ni Archbishop Charles Brown, apostolic nuncio of the Philippines.

Bago ang Misa, gagapin ang taimtim na prusisyon ng imahe ng Our Lady of peace and Good Voyage alas 8 ng umaga ,sisundan ng special rite ng coronation sa pangunguna nig nuncio at Bishop Ruperto Santos ng Antipolo alas 9:30 ng umaga.

Ang cathedral, na unang pambansang dambana rin ng bansa, ay isang sikat na lugar ng paglalakbay na binisita ng maraming deboto ng Our Lady of Antipolo.

Sa pagiging international shrine , kinikilala ang kahalagahan nito hindi lamang sa loob ng Pilipinas kundi para sa pandaigdigang pamayanang Katoliko—kung saan ito ang naging unang internasyonal na dambana sa bansa, ang pangatlo sa Asia, at ang ika-11 sa mundo.

Sa kabilang banda, ang mga Obispo sa buong bansa ay kasalukuyang nasa Manila para sa seminar sa paghahanda para sa kanilang ika- 127th plenary assembly sa Pope Pius XII Catholic Center sa Sabado hanggang Enero 29 ng hapon.

Ang CBCP ay kasalukuyang binubuo ng 125 miyembro, 82 aktibo, 39 ang bishops emeriti, at apat ang priest administrator.

Noong Hunyo 2022, inanunsyo ng Vatican ang pag-apruba sa petisyon na gawing internasyonal na dambana ang katedral.

Idineklara ni Pope Francis ang sikat na pilgrimage site bilang isang international shrine noong Mar. 25. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePAGASA nagbabala: 2 rehiyon babahain!
Next article‘Shrinkflation’ sign sa mga produkto pinag-aaralan ng DTI