Home NATIONWIDE CBCP sa job seekers, ‘wag mawalan ng pag-asa

CBCP sa job seekers, ‘wag mawalan ng pag-asa

349
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga first time job seekers na huwag mawalan ng pag-asa.

Sa mensahe ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto – Vice-chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, batid niyang marami ang nahihirapang makahanap ng trabaho kaya’t hinikayat nito ang mga magsisipagtapos na dagdagan ang mga kasanayan.

Inihalimbawa ng Obispo ang pagsusulit sa Civil Service Commission at pagkamit ng Technical Education and Skills Development Authority certifications.

“Kung sakali na matanggap na o makatanggap na ng trabaho ay dapat mahalin ang trabaho, mahalin, huwag magpapabaya sapagkat marami ang naghahanap rin, mahalin ito,” ayon pa ng mensahe ng Obispo.

Sa bahagi ng pamahalaan, unang nilagdaan ng Department of Labor and Employment ang mga rules and regulation ng First Time Jobseekers Assistance Act Inter-Agency Monitoring Committee (FTJAA-IAMC).

Sa ilalim nito, libreng makukuha ng mga first time jobseekers ang mga requirements na kinakailangan o hinihingi ng kanilang mga employer kung saan inaasahan na makakatipid sila ng hanggang dalawang libong piso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBb. Pilipinas contestant na nagsuot ng damit mala-Sto. Nino, pinuna ng mga pari
Next article60 ex-rebels sa Negros, pasok sa TUPAD

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here