Home NATIONWIDE CCG inakusahan ng PCG sa pananabotahe sa operasyon sa WPS

CCG inakusahan ng PCG sa pananabotahe sa operasyon sa WPS

MANILA, Philippines – Inakusahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang Chinese counterpart ng jamming sa signal ng tracking system ng mga barko ng Pilipinas nang ilang beses sa mga kinakailangang operasyon sa West Philippine Sea (WPS) na pinipigilan makapag-broadcast ang mga barko ng kanilang mga posisyon sa dagat.

Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na naobserbahan nito sa rotational deployment ngayong buwan ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ships sa Bajo de Masinloc na may mga pagkakataon na ang kanilang barko ay hindi makapagtransmit ng kanilang automatic identification signals (AIS).

Noong Pebrero 22, binanggit ni Tarriela na hinarang umanong China Coast Guard (CCG) ang AIS ng BRP Datu Sanday ng BFAR, na idineploy para mag-supply ng gasolina at matiyak ang seguridad ng mga mangingisdang Filipino upang suportahan ang press release ng China sa matagumpay na pagtataboy sa mga barko ng Pilipinas.

Sinundan ng pagpapalabas ng pahayag ng CCG sa kanilang official website na itinaboy nila ang BRP Datu Sanday nang iligal itong pagpasok sa katubigan na katabi ng Huangyan Dao ng China.

“We also noticed this occurrence during the last deployment of BRP Teresa Magbanua and BRP Datu Tamblot. Through such jamming, any commercial AIS monitoring cannot also disprove such statements because they may not be able to find our vessels,”sabi ni Tarriela. Jocelyn Taangcura-Domenden

Previous article‘No significant sightings’ sa dagat ng Northern Luzon – PAF
Next articleTINGNAN: 3 patay sa sunog sa Taytay, Rizal