Home SPORTS ‘Celebrity Challenge’ sa Fiesta Fruit Game ng TDGI

‘Celebrity Challenge’ sa Fiesta Fruit Game ng TDGI

HITIK na sa papremyo, bonga pa ang kasiyahan ng mga responsableng Pinoy gamer sa pakikiisa ng mga nagkikislapang bituin sa showbiz at telebisyon sa isinagawang ‘Celebrity Challenge’ ng Fiesta Fruit Game Apple to Apple sa Manila Gaming Station ng pinaka bagong mapaglilibangang laro ng masa sa Paco, Manila.

Pinangunahan ng batiking actor na sina Baron Geisler at beauty queen Diane Medina ang mga artista, gayundin ang mga fashion at commercial models na kinabibilangan nina Rodjun Cruz, Max Collins and Sunshine Cruz sa ispesyal na draw ng mga laro na inilunsad kamakailan ng Triple Diamond Gaming Incorporated (TDGI) sa pakikipagtambalan ng businessman-sportsman na si Atong Ang.

Ang TDGI ay lehitimong kompanya na rehistrado at may kaukulang permit para magsagawa ng programa mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

“Napakasaya ng atmosphere sa studio. Napakadali ng laro. Siguradong magugustuhan ng ating mga kababayan ang Fiesta Fruit Game Apple to Apple,” ayon sa pahayag ni Medina sa kanyang social media account na na-share sa Facebook page ng naturang laro.

Matapos makumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento sa programa, sinimulan ng grupo ni Ang ang pagsasagawa ng mga laro sa state-of-the-art studio ng TDGI na opisyal na binuksan nitong Disyembre 6. Sinimulan na rin ang arangkada ng Apple-to-Apple sa mga piling off-studio betting stations sa Kamaynilaan at ilang karatig lalawigan na kasalukuyan ngayong umaani ng suporta mula sa mga legal na manlalaro.

Ang Fiesta Fruit Game ay laro sa pagitan lamang ng dalawang kulay – ang pula o puti.

Sa tatlong roleta, pipili lamang ang mga manlalaro ng kulay na pula o puti para sa bawat ikot sa minimum na tayang P10 piso. Sa pagkakataong lumabas ang napiling kulay sa tatlong roleta may naghihintay na P280 pesos na panalo sa bawat P100 pisong taya. Maaring tumaya sa mga lehitmong off-studio betting station, gayundin sa online platform na G-cash, FortunePay at Paymaya. Mapapanood din ang draw via livestreaming sa Facebook at Instagram.

’The business operations of Triple Diamond Gaming, Inc. are anchored on the principles of integrity, transparency, security, and efficiency amidst an extremely competitive, demand-driven industry. As a live broadcast provider, Triple Diamond Gaming, Inc. is geared with the necessary state-of-the- art livestreaming equipment from Direct To Home CBAND satellite broadcast, Live-U internet streaming apparatus, Outside Broadcast Van including ten (10) studio cameras with Camera Control Units (CCU) and all other premium supplies, accessories and machinery to provide our clients with High-Definition, real- time broadcast of various gaming, sports and entertainment events,” ayon sa pahayag ng TDGI.

Ang buwis na makokolekta ng PAGCOR sa naturang laro ay nagagamit sa mga programa ng ahensiya para sa taong-bayan, gayundin sa pagpapaunlad ng sports sa bansa sa pamamagitan ng pagtustos sa pagsasanay at partisipasyon ng Pambansang Atleta sa mga torneo sa abroad‘Celebrity Challenge’ sa Fiesta Fruit Game ng TDGI.JC

Previous articleP6.2T target sa 2025 budget – DBM chief
Next article‘Celebrity Challenge’ sa Fiesta Fruit Game ng TDGI