MANILA, Philippines – Umiskor si Gabe Vincent ng 29 puntos para tulungan ang host Miami Heat na kunin ang kartadang 3-0 kontra Boston Celtics, 128-102, sa ginaganap na NBA Eastern Conference Finals 128-102.
Umambag sina Duncan Robinson at Caleb Martin ay umiskor ng 22 at 18 puntos mula sa bench, ayon sa pagkakasunod.
Kumolekta si Jimmy Butler ng 16 puntos, walong rebounds at anim na assist para sa eighth-seeded Miami, na bumaril ng 56.8 percent mula sa field (46 of 81) at 54.3 percent mula sa 3-point range (19 of 35).
Umiskor si Bam Adebayo ng 13 puntos at nagdagdag ng 10 si Max Strus nang maagaw ng Heat ang kontrol sa paligsahan sa pamamagitan ng pag-outscore sa second-seeded na Celtics sa 32-17 margin sa third quarter.
Si Jayson Tatum ng Boston ay nagtala ng 14 puntos at 10 rebounds at si Jaylen Brown ay umiskor ng 12 puntos, bagama’t ang magkapareha ay nagsanib na gumawa lamang ng 12 sa 35 na putok mula sa sahig at 1 sa 14 mula sa 3-point range.
Naiipit ngayon ang Celtics dahil nasa bingit sila ng eliminasyon sa kartadang 3-0.
Walang koponan sa kasaysayan ng NBA ang nakalampas sa 3-0 deficit para manalo sa isang serye. JC