Home NATIONWIDE Centenarian personalized stamp iprinisenta ng PHLPost kay Enrile sa kanyang ika-100 kaarawan

Centenarian personalized stamp iprinisenta ng PHLPost kay Enrile sa kanyang ika-100 kaarawan

MANILA, Philippines- Iprinisenta ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang centenarian personalized stamp at commemorative cover kay dating Senate President at ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa pagdiriwang ng kanyang ika-100 kaarawan noong Feb. 14 sa Malacanang.

Ipinakita ni Postmaster General Luis Carlos ang stamp at commemorative cover kasabay ng pagkilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Enrile para sa kanyang konribusyon sa bansa sa kanyang karera sa government service.

“Living to 100 years old is one of life’s greatest achievements and a milestone worth celebrating. We pay tribute to JPE whose political career has spanned over six decades,” pahayag ni Carlos nitong Linggo.

“His collective wisdom and experience is an inspiration to us all,” patuloy niya.

Aniya, ang pagbibigay-pugay kay Enrile sa pamamagitan ng personalized stamp at commemorative cover ay base sa Republic Act 1026 o ang Centenarian Act of 2016, na kumikilala at nagbibigay ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo sa Filipino centenarians.

Nakikipagtulungan ang PHLPost sa local government units upang isama sa kanilang programa ang paglalabas ng personalized centenarian stamps.

Ayon pa kay Carlos, bahagi ito ng corporate social responsibility (CSR) ng postal agency sa pagkilala sa Filipino centenarians ng bansa. RNT/SA

Previous article‘Road rage’ sa Subic tatalupan ng LTO
Next articleDagdag-sahod sa mga manggagawa sa Davao Region kasado