Home HOME BANNER STORY Central Post Office, ininspeksyon na

Central Post Office, ininspeksyon na

308
0

MANILA, Philippines – Sinuri na ng mga city engineer ng lungsod ng Maynila ang mga natira mula sa nasunog na makasaysayang Manila Central Post Office.

“Ang iche-check mo structural integrity ng building, kung kaya pa niyang i-withstand na gagamitin mo kasi kung delikado na sa tirahan ng tao ‘yun. Inaano naman ng condemnation kinokondemn namin ang building. Most likely kasi matagal na yung building and nababad pa sa apoy sa sunog so talagang magwiweaken yung mga columns niya, mga biga,” sinabi ni Manila building official at city engineer Armando Andres.

“Siyempre gusto nating isalba yung building, historical yan e kaya lang kung mako-compromise naman yung safety ng mga empleyado ng post office ‘yung mga pumupunta roon,” dagdag pa niya.

Saad sa National Cultural Heritage Act of 2009, ang mga gusali na hindi tataas sa 50 taong gulang o mas mataas ay maikokonsiderang historical at nararapat na mai-preserve.

Dahil dito, sinabi ng Manila Engineering Office na ang Central Post Office ay hindi basta-bastang maaabandona sa kabila ng tinamong pinsala.

“Closely coordinating naman kami sa historical commission. Kung talagang not fit for occupancy and then pag nacondemn namin meron naman silang option na iappeal sa public works pwede pa rin sila mag-appeal sa Malacanang ‘yun ang last resort nila,” sinabi pa ni Andres.

Samantala, sinabi naman ng Philippine Postal Corporation (PPC) na talagang ipapaayos muli ang gusali.

“We’re assuring that it’s gonna be restored to the same structure and the same facade and the same set up as whatever, you know during those days. Easily three to five years to restore this,” ayon kay PPC Postmaster General and CEO Luis Carlos.

Ang pondo sa pagpapaayos sa gusali ay target na magmula sa Government Service Insurance System (GSIS).

Batay sa inisyal na diskusyon, P400 milyon ang ilalaan para sa istruktura, at ang P200 milyon ay para sa mga nasirang kagamitan.

Nitong Miyerkules, Mayo 24 ay binisita ni
National Commission for Culture and the Arts chairperson Victorino Manalo ang Manila Central Post Office.

Aniya, binuo na ang isang inter-agency commission in collaboration kasama ang
National Historical Commission of the Philippines, National Archives, National Museum, at PPC upang pag-usapan ang mga pamamaraan na maitutulong ng bawat isa para sa muling pagsasaayos ng post office. RNT/JGC

Previous articleBilang ng mga walang trabaho, bumaba – SWS
Next articlePaluto sa El Nido, bawal na

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here