Home LOCAL BIZ Cesar, gustong magbalikan sina Sunshine at Macky! LOCAL BIZTOP STORIES Cesar, gustong magbalikan sina Sunshine at Macky! February 12, 2023 08:06 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Naiulat na may ibinigay na payo si Sunshine Cruz sa dating asawang si Cesar Montano. Pakamahalin daw nito ang kanyang kasalukuyang partner na si Kath dahil napakabait daw nito. It’s nice to see both women in Cesar’s past and present life get along well. Maging ang mga anak ni Cesar kina Sunshine at Kath ay magkakasundo. Even Cesar’s son Diego with Teresa Loyzaga are close to his half-siblings. Pero may unsolicited advice din daw si Cesar kay Sunshine. ‘Yun ay ang mag-stick na lang ang aktres kay Macky Mathay. Ayon kay Cesar, naguguwapuhan daw siya kay Macky at mukhang mabait pa. Pero sa guesting ni Sunshine kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niyang officially ay wala na sila ng San Juan councilor. Ani Sunshine, hindi lang daw love ang mahalagang sangkap sa isang relasyon kundi respeto at tiwala. Gayunpaman, inuurutan ni Cesar si Sunshine na makipagbalikan kay Macky. Samantala, dedma lang si Cesar sa pahayag ni Teresa na hindi sila on speaking terms. Okey na raw kay Teresa na magkakasundo ang lahat ng mga anak ni Cesar. Wala rin daw isyu si Teresa kina Sunshine at Kath. May dapat nga bang ayusin si Cesar kay Teresa? If so, why hasn’t he made an effort to resolve the issue? Ronnie Carrasco III